Phoebe's POV
"What the hell happened to your face Phoebe?" Pamungad ni Thalmalia sakin nang makapasok ako sa kusina.
Pag pasok ko bigla kong nakita si Ziggy na nagluluto. May suot na apron na kulay pink at may hawak na sandok.
"Good morning" bati niya sakin tas ngumiti siya.
"Good morning din Ziggy" bati ko sa kanya.
"Ay ganun?" Komento ni Thamalia.
"Snob ang beauty ni Ate Tal2x" dagdag pa ni Mayumi at tumawa. Tiningnan siya ng masama ni Thalmalia, tumigil naman siya at pinag patuloy ang pagkain niya na niluto ni Ziggy.
Umupo na ako sa hapagkainan at hinandaan ako ni Ziggy. Nakangiti siya sakin. Di ko mapigilan na ngumiti rin.
"Hoy! May tinatanong ako sayo" Sabi ni Thalmalia sabay kalabit sakin.
"A-ano yun?" Tanong ko at nag simula na ring kumain. May pasok rin kasi ako.
"Bakit pwede na yang ibenta yang eye bags mo sa sobrang laki"
"Ah di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi" sabi ko at bigla namang sumabat si Ziggy galing sa pagluluto.
"Why?" Tanong ni Ziggy.
'Ikaw kasi. Buset. Di ako makatulog sayo. Sa sobrang pag-iisip ko sayo. Ayon. Magdamag akong gising'
Sarap sabihin kay Ziggy kasu, malay ba naman niya! Tsaka bakit ko ba siya kasi iniisip?! -_-
"Hoy tinatanong kitang bruha ka! Kanina ka pa tulala! Sign na ba 'tu na kailangan ka na namin dalhin sa mental?" Sabi ni Thalmalia. Di ko na lang siya pinansin.
"At di talaga ako pinansin" sabi niya pa uli.
"Sorry. Wala kasi ako sa mood" sabi ko na lang. Tumayo ako sa hapagkainan at a-akma ng umalis sa kusina ng sabay-sabay silang nag tanong sakin.
"You don't like the food?" Ziggy
"Di ka kakain?" Thalmalia
"Akin na lang ate pancake mo" Mayumi
"Wala akong gana. Maliligo na ako" sagot ko sa kanila.
Umakyat na ako sa kwarto at kumuha ng tuwalya. Kahit parang umiikot ang paningin ko, pinagpatuloy ko pa rin ang pag ligo. Makalipas ang ilang minuto eh tapos na akong maligo at nag bihis na ng uniform.
Bumaba na ako sa sala para magpaalam sa kanila ng makita ko si Ziggy nakaupo sa couch.
"Guys! Alis na ako"
"Ingat!" Thalmalia
"Ingat ate" Mayumi
Paalis na ako ng tumayo si Ziggy at nagsalita. "I'll go with you"
"No. Ziggy ayos lang."
"I know you'll walk. I'll go with you, weither you like it or not" lumaki naman mata ko sa sinabi niya. Strcit pala tung si Ziggy?
Nagulat na lang ako nung nagsalita siya sa harap ko at nasa pintuan na siya.
"Let's go?" Wala na akong nagawa. Naglakad na lang kami.
Kahit ang aga-aga maraming taong naglalakad. Tahimik kaming naglalakad na ako hawak-hawak ang strap ng bag ko habang si Ziggy naman e prenteng-prente sa paglalakad na nakapamulsa pa. Ang aga pero ang ginaw. Mabuti na lang may jacket tung uniform namin.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?