Chapter 14

40 4 4
                                    

Phoebe's POV

Nag jeep kami pauwi ni Ziggy. Di ko kaya mag lakad, masyadong mainit.

Pagbukas ni Ziggy ng pinto pinauna niya akong pinapasok. Mabuti rin pala at may Susi rin siya ng bahay.

Pagkasara ni Ziggy ng pinto humarap siya sakin.

"What is it?" tanong niya.

"Ha?"

"You said we're going to talk about something and now I'm asking you, what is it?" pagi-explain ni Ziggy. Ay oo nga pala. Nakalimutan ko tuloy.

"Dun tayo sa balcony" sabi ko at nauna na umakyat sa balcony. Sumunod naman siya.

Kami lang dito sa bahay. Wala si Thalmalia. Ewan ko kung saan siya pumunta. Si Mayumi naman daw di makakauwi kasi dun siya matutulog sa bahay nila. May darating daw kasi.

Hinarap ko si Ziggy at hinarap niya rin ako. Nagsimula na akong magsalita.

"Unang-Una bakit umiiba yang kulay ng buhok mo?" tanong ko sa kanya. Napaisip rin siya pero bigla na lang siya nag kibit balikat. "Di mo alam?" sabi ko. Wow.

Napaisip rin ako ng ilang sandali ng biglang nagsalita si Ziggy.

"It went to pink when I got home this morning from your school. Then you mentioned that it was black before. That's the only thing I know" sabi pa niya. Nakatukod na ngayon mga siko namin sa balcony. Ang ganda pala ng view mula dito. First time ko dito sa balcony eh.

"Diba wala kang emosyon?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya habang nakatingin sa view mula dito sa balcony.

"Kung wala kang emosyon. Pwede bang mood e tawag ko?" nagtaka naman si Ziggy sa tanong ko. "Kung wala kang emosyon may possibility na nagpapalit yang kulay ng buhok mo dahil sa mood mo"

Nagisip naman si Ziggy ng ilang Segundo at nagsalita. "Really?" nagda-dalawang isip niya pang tanong.

"Uhm. Di rin ako sigurado. Theory lang naman. Observe na lang natin" tumango naman siya.

Tahimik uli ang paligid nang may naalala ako. "Bakit ka nag pa enroll as SVA? Alam mo ba ang ibig sabihin ng pag-aaral Ziggy?"

"Of course. Studying. Studying is an activity or process of learning about something by reading, memorizing facts, listening, attending schools, etchitera"

"Uhh..okay. Sige ikaw na ang ma-alam" sabi ko. Literal naman niyang ibinigay ang meaning sakin. Ba 'yan.

"Saan ka kukuha ng pang-enroll?" tanong ko.

"I'm a scholar"

"Kailan lang?" gulat Kong tanong sa kanya. Kailan lang siya naging scholar?!

"This morning" cool niyang sabi.

"Eh hinatid mo lang naman ako kaninang umaga ah!"

"Yes. But on my way home I saw Mayumi and Thalmalia. They dragged me until we arrived at SVA. I was asking them what we will do there and they said 'we are going to enroll ourselves' and I asked them even me? They said yes"

"Di ka man lang ba humindi?" tanong ko at umiling lang siya. "Saan ka kumuha ng requirements?"

"Mayumi got it ready. All of it. I even met his father. He's a cheerful man" komento niya. Natahimik na lang ako.

Hindi naman dahil sa ayaw ko si Ziggy mag-aral at makasama sa school ah. Pero manika kasi siya! Pano pag may naka-alam? Hindi lahat ng tao katulad namin na makakaintindi at matatanggap na nabuhay ang isang manika! Maraming consequences ang pag pasok ni Ziggy sa SVA!

Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon