Chapter 18

57 7 1
                                    

Phoebe's POV



It's monday! At regular classes na namin. Pagod ako-I mean antok pala. Ilang gabi kasi akong walang tulog kakaalala lang sa sitwasyon ko na NAGKA-GUSTO AKO SA ISANG MANIKA!



May mas tanga pa pala sa pakikipag-usap sa manika. Hay. Nag-iisip ako kung pano ko baliwalain ang nararamdaman ko para kay Ziggy kasu ayaw talaga eh! Ka-klase ko pa naman siya. Ka-imbyerna!



"Hoy bakla! Tulaley ka na naman dyan" kalabit ni Prince sakin.


"Sorry"


"Sus. Nga pala, si Ziggy tingnan mo. Obvious na scholar, ikaw hindi" pang-iinsulto ba yun o insulto talaga? Batukan ko 'tung baklang 'tu eh. Wala pa naman akong tulog.



Tiningnan ko si Ziggy na naka-upo sa harap ni Janine. Magka-row sila ni Prince. Nagba-basa siya pero mukhang di naman academic book ang binabasa niya eh.



Magtatanong sana ako kay Ziggy kung ano ang libro na binabasa niya nang biglang pumasok ang teacher namin para sa third subject namin.


"Good morning class" cheerful na bati ng teacher namin. Gusto ko 'tung teacher na 'tu.


"Good morning teacher" bati namin pabalik. Sa school na 'tu teacher ang tawag sa mga teacher hindi ma'am or sir.


"Okay let's start our lesson" panimula ng taecher. Hay. Ewan pero first time kong di makinig sa mga pinagsa-sabi ng teacher.



Nasa kalagitnaan ng page-explain ang teacher namin ng may nag-bukas ng pintuan at nakita namin ang isa pang teacher. Nilapitan siya ng teacher namin at nag-usap sila saglit tas humrap na teacher namin sa amin ng may hawak-hawak na maliit na puting papel.


"Phoebe Heart Manisable, Ziggy Cameron, Dwight Russell Beckett, Thalmalia Mische, Denver Lemmington, Janine Dionora and Prince Maemore go to the President's office now. The president is expecting you to be there." Sabi ng teacher namin. Bigla naman akong kinabahan. Susme naman, babalik na naman kami dun?



Syempre wala naman akong magagawa kaya sumunod na rin ako sa mga kasama kong tinawag rin. Habang tahimik akong naka-yuko na sumusunod sa teacher biglang may tumabi sakin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako kaya tiningnan ko kung sino. Si Ziggy. Susko naman! Di ba siya informed na babae ako at pwede ring kiligin sa mga pinagaga-gawa niya? At bawal PDA! Ano ba naman!



Hihilahin ko na sana ang kamay ko sa kanya ng biglang hinigpitan ni Ziggy ang pag-hawak niya sa kamay ko. "Z-ziggy" pag-tawag ko sa kanya. Seryoso kasi siyang nagla-lakad at hinahawakan kamay ko.

Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon