"Hay. Ziggy ano ba yan ilang oras na tayong naglalakad at ilang resto at hotels ang itinry natin pero bakit wala talagang tumatanggap satin?" Tanong ko kay Ziggy na kinuha ko na ngayon sa bag ko at ipinatong sa hita ko.
Nasa park kami ngayon. Nasa swing lang ako nakaupo. Hapon na rin, hanggang ngayon di pa ako kumakain ng tanghalian. Masyado na akong gutom. Pero di ko na lang iniisip yun kasi pag gagastusin ko 'tung perang dala ko ngayon, wala kaming pang gastos sa pangka-kailangan namin ni Ziggy.
Pang jeep na rin 'tu mamaya pauwi. Hay...masyado na rin kasing malayo ang nilakad ko para lakarin pa pabalik mula dito papuntang apartment. Bibigay na siguro mga paa at tuhod ko nun. Jusko, wala pa naman akong kinain.
Siguro iniisip niyo na nabu-buang na ako dahil kinakausap ko ang manika ko nu? Pero nakasanayan ko na rin kasi ang ganito. Limang taong gulang pa lang ako nung ibingay 'tu sakin nina mama at papa. Naalala ko pa nga tuwang-tuwa ako sa ibingay nila sakin. Pagkatapos nun ipinangalan ko sa kanya ay Ziggy.
Di ko na pala namalayan na napa-luha na ako sa mga alaala namin nina mama at papa pati kay Ziggy. Pinahiram ko ang mga luha ko at ngumiti.
"Alam mo Ziggy. Tuwang-tuwa pa rin ako hanggang ngayon kasi andito ka pa. Katulad nang naramdaman kong tuwa nung una kang ibingay sa akin nina mama at papa."
At nung naramdaman ko na excited ng humaro-rot ang mga luha ko sa mata. Tumingala ako at nag sigh.
"Why are you talking with your doll?" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan kong swing ng may nagsalita sa harap ko.
Isang batang babae. Cute na batang babae.
Ang cute niya
Unti-unti naman siyang pumunta sa kabilang swing sa gilid ko at umupo kahit nung una parang nahihirapan pa siya kasi di niya abot.
Feeling ko hindi naman 'tu palaboy na bata eh. Ang ganda at ang linis kaya nitong bata na 'tu! May bitbit pang lollipop. Mistesa pa. Oh diba? Sa tingin niyo palaboy 'tu? Dagdagan niyo pa ang english speaking niya.
"What are you looking at?" Tanong niya uli sakin na nakaharap na siya sakin tapos ipinasok niya na ang lollipop sa bibig niya at iginilid ang ulo. "Ate?" Sabi niya uli.
"Ah sorry. Nagulat lang kasi ako sayo. Akala ko kasi kung sino." Sabi ko sa kanya na unti-unting itinutulak ang sarili para gumalaw ang swing.
"As I said before. Why are you talking with your doll?" Ang fluent naman ng batang 'tu sa english. Rich kid ata 'tu eh.
"Ah-eh kasi..." ano ba sasabihin ko? Baka isipin niyang baliw ako nito?
"Are you a crazy woman?" Ha?! Sabi na nga ba eh. Kausap ba naman ang manika tapos mukha pa ang yagit kasi buong araw ako naglakad at di nakakain. "You look tired. Are you okay?"
Ang cute niya talaga! Pwede bang isako at iuwi ko 'tu sa apartment? Ay! Masama pala yun edi hiramin na lang. Ay parang bagay naman yun.
"Your doll is cute. Where did you buy this?" Ang daldal pala ng batang 'tu. Pumunta siya sakin at kinuha si Ziggy sa lap ko at hinawakan niya si Ziggy na parang baby.
Aww...ang cute ng scene na nakikita ko.
"Are you deaf?"
"Ay sorry. Eh kasi ang cute mo."
"Okay. Thank you." Sabi niya sabay balik sakin si Ziggy at aakmang aakyat sa lap ko. Tiningnan ko siya ng curious look at parang naintindihan niya naman.
"Me. Sit." Two words pero ang cute pa rin. Kaya pinaupo ko na lang siya sa lap ko.
"Di ka ba tinuruan ng parents mo not to talk to strangers?" Takang tanong ko. Kasi pag ako nanay nito tuturuan ko anak ko ng ganun.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Подростковая литератураWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?