=Whose Fault?=

123 4 0
                                    

-Samantha's POV

Dalawang araw.
Dalawang araw na rin ang lumipas.

Nakapagpahinga na rin ako ng kaunti at ngayon back to school na ako.

Pero bago iyon, dumalaw muna ako sa puntod ni lolo.

May nakalagay na namang fresh flowers doon gaya ng malimit na nakikita ko sa tuwing dumadalaw ako.

Nung una, lalo noong bata pa ako, akala ko yung caretaker lang ng sementeryo ang taga lagay niyon.

Inakala ko na lang na part iyon ng trabaho niya na lagyan ang bawat puntod ng fresh flower kahit na aware akong sa lolo ko lang ang meron.

Tapos nung medyo naisip ko na ngang imposible iyon, inakala ko ulit na kaibigan siguro ni lolo ang naglagay.

Malamang dinalaw siya.

Pero ngayon, alam ko na kung kanino galing ang mga flowers na nasa harapan ko ngayon, malamang sa lola ni Jared.

"Lolo," kausap ko sa puntod "alam mo bang sobra kitang hinahangaan dahil sa kabaitan mo. Ikaw ang super lolo ko. Pero 2 days ago nalaman kong habang sobra kitang ipinagmamalaki sa pagiging super lolo ko, may isang tao rin sobrang nasasaktan dahil sa pag iwan mo sa kanila."

Inayos ko yung flower na nakalagay doon.

"Lolo, habang nagpapakasaya ako sayo, hindi ko naisip na may apo ka ring iniwan mo. Feeling ko tuloy ang selfish selfish ko kasi sinolo kita. Isa pang masakit lolo, yung apo mong iyon na iniwan mo ay yung taong pinangarap kong maging kasama ko habang buhay."

Tumulo na ang mga luha ko.

"Hindi ko po maintindihan kung bakit mo sila pinagpalit sa amin. Dahil din ba sa love yun lolo? Oo, kasi malimit mong sabihin sa akin noon na first love never dies. At si lola ang first love mo."

"But still hindi ko pa rin maintindihan. Pano ka na involve sa buhay nila lolo. At pano kayo nagkaroon ng pamilya ni lola?"

Kung nabubuhay lang sana si lolo baka nagkaroon na ako ng kasagutan sa mga tanong ko.

Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa school.

Malaki pa naman ang vacant time ko, pero kailangan ko kasi magrefresh ng lessons kaya nagpunta na muna ako sa library.

"Gf ni Gov. Jared." narinig kong may bumulong.

"Oyyts, tahimik ka lang, pinsan niya rin yan. Gf na pinsan."

"Oh?"

"Seryoso."

Tawanan.

Kahit ba naman ngayon may ngumangawa pa ring mga palaka?

Wala ako sa mood pumatol sa kanila saka FYI, hindi ko pala sila ka level kaya bakit ko sila papatulan?

Pag pinatulan ko sila insecure frog na rin ako.

Daaahhh!!

Lumabas na lang ako ng library.

Hindi ako makapag concentrate eh.

Alam ko na kung saan ako pupunta.

Ayoko sa PE grounds kasi siguradong nandun na naman si Clifford.

Gusto kong mag isa.

Dun na lang ako sa fire exit stairs ng building namin.

Mas safe pa na walang istorbo.

Naglalakad na ako nang may gumulong na bola sa paanan ko.

Actually basketball ball.

Parang nangyari na ito noon kaya lang tumama sa ulo ko.

Naiiyak tuloy ako sa alaalang iyon.

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon