-Sam’s POV-
“Human Behavior. Human Behavior. Human Behavior in an Organization.” Grabe, ang hirap naman hanapin ang book na yun.
Inisa-isa ko na lahat ng book dito sa Management Section pero wala pa rin.
Sa internet na lang sana kaso occupied na lahat ng naka-open na computer sa e-lib corner.
Napaka-ewan ng school na ito. Bakit ba dito ako nag-enrol? Porket summer, masyado naman silang nagtitipid. May ibang estudyante pa rin namang gagamit. Sayang lang na napakaraming computer hindi naman binubuksan. Hmp.
Sana kasi isinama ko na lang ang laptop ko.
“Nakakainis. Magpakita ka na nga Human Behavior.”
Tsk. Tsk. Tsk. Pumasok ako sa Encyclopedia Room.
Dito ko na nga titingnan, siguradong meron dito.
Ayun, nakita ko yung book na may word na stereo. Siguradong nandito ang stereo type employee na hinahanap ko.
Nahawakan ko na iyon pero may biglang umagaw niyon sa kamay ko.
Teka, ako ang naunang nakahawak nun, ah? So bakit kinuha sa akin..?
“Excuse miss? I got it first.”
“Oh, what do you mean?” teka parang kilala ko ang bruhang ito, ah.
I’ve seen her before. Saan na nga ba yun?
“The book.” Sabay agaw ko sana sa kanya kaso nailayo niya yun kaagad.
“Are you sure? Then why is it on my hand?”
Aba’t. “Because you snatch it from me!”
“Really? Oh my. I’m not that kind of person you know.” Kunwari naiiyak pa siya.
Napalingon naman ang ibang estudyante sa amin.
“I can’t imagine this. I can’t even imagine there’s someone so rude to me.”
Ano? Ako pa ngayon ang rude? Ako na nga ang naagawan?
Tapos lumakas ang iyak niya.
Lumakas pa.
Nang lumakas.
Grabe, agaw eksena na siya.
“Ms, you’re being exaggerated.” Bulong ko
Mas lumakas pa ulit ang iyak niya. “I’m not used to this. I didn’t know may taong katulad mo sa mundo.”
“Ano bang ginawa ko? At anong klaseng tao ba ako?”
“Hey, what have you done?” isa pa ‘tong pa-english effect na kaibigan nitong Ms. Agaw Eksena na ‘to.
“I don’t know. Bigla na lang siyang naging ganyan.”
“She yelled at me. Ang sakit pakinggan ng mga sinabi niya.” Patuloy pa rin sa pag-iinarte
Teka? Ano bang nasabi ko?
Wala naman akong natatandaang nakakasakit dun, ah. OA naman ‘tong babaeng ‘to.
“What?” tanong ng babaeng kumukunsinti sa kaartehan nito.
“Sssshhhh.” Sinaway kami ng isang nandun at busy sa pag-aaral.
“Grabe kang babae ka. Hindi mo dapat ginawa yun sa kanya. You’re so bad-mannered.”
“Excuse me? Wala akong matandaang nasabing masama sa kanya. Masyado lang niyang na-misinterpret ang mga nasabi ko.”
“Huhuhuhuhuhuhuhu.” Umiyak pa lalo si Ms. Agaw-pansin.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...