=Bagong Classmate=

673 7 1
                                    

"Hoy babaeng baliw!!!" boses ng malditang bestfriend ko. "Sa'n ka ba nagpupupunta ah..?"

Aba't ako pa ang tatanungin kung saan ako nagpunta, samantalang siya ang nang-iwan sa akin..?

Mas baliw din 'tong isang 'to eh.

"May pinuntahan ba akong iba? Ikaw kaya ang nang-iwan. Sabi kong antayin mo ako eh!! At oo pala! Nakalimutan ko na ang kuya ko, siguradong sasakalin ako nun mamaya 'pag hindi ko pa naibigay ang assessment form niya."

"Hey, una.. hindi ko alam na kumawala ka pala sa kamay ko. Pangalawa, tanga rin yang kuya mo 'no! Pagsabihan mo nga yan at ikaw pa ang sasaktan niya samantalang siya ang nakaiwan, Super tanga talaga ng kuya mo. NO wonder, may pinagmanahan ka."

"Anong sabi mo baluga?! Kanina mo pa ako inaasar, ah."

Tumakbo si Keith. Siyempre, naghabulan kami. Hanggang sa makaakyat na kami sa Bussiness & Accountancy Building.

"Wag na wag kang magpapahuli sa akin baluga!! Tingnan mo kapag nahuli kita, hmp!!"

"Natatakot ako!!" sigaw ni Keith pero nakangisi.

Para siyang baliw kung makatawa.

Kaya, magkasundo kami nito, eh.

Kasi pareho kaming baliw.

O, wala ng kokontra. Pareho na lang para walang samaan ng loob.

Tawa lang siya ng tawa, hanggang sa hindi niya namalayang nakatapak siya ng paa ng isang kalahi ni Aphrodite na kagaya namin.

"Aray!! Sorry!!" siya pa nag-aray eh, 'no? Sabay nakataas ang dalawang kamay na parang sinabihyan ng pulis na 'freeze'.

"Oh my gosh!!! My expensive stello shoe!!! Iniingat-ingatan ko 'to, then you just barged and stepped into it!! Who hell are you, stupid girl??!!!!!"

"Hey you, english-english-in mo pa ako??!! Let me tell you na pare-pareho lang tayong estudyante dito. At may mga hindi inaasahang pagkakataong makakaranas tayo ng aksidente sa buhay natin. And this is what we call accident. And you are not excempted para hindi makaranas ng aksidente. Kung gusto mo, tumira ka sa isang lugar na ikaw lang ang tao nang sa gano'n, walang makatapak niyang stupid shoes mo!! Sino ba namang gugustuhing tumapak ng basta basta sa ganyang sapatos. kung ako din lang, hindi lang tapak ang gagawin ko diyan,eh, alam mo ba yun..? Kasi sisiguraduhin ko ding nakatapak ako ng tae bago ko tatapakan ang sapatos na yan kung sasadyain ko, stupid girl din!!" palaban ang besty ko.

But wait, si---

"What? Hindi mo ata nakikilala ang binabangga mo."

"Well, bakit kita kikilalanin? You're not even worthy to be known."

"And you don't know what you're talking about??!! I won't let you ruin my day."

"Hey, teka. teka." sumingit na ako sa kanilang dalawa. "Arrianne." lumingon ako kay Arrianne. "Keith." at kay Keith.

"You know her???!!!" tanong ni Arrianne.

"Yeah, she's my bestfriend. At bakit kilala mo rin ang walang modong babaeng 'yan??"

"Sinong walang modo? Ikaw yun, right."

"Teka nga. I think, masyado lang mainit ang ulo niyong dalawa."

"Eto kasing babaeng 'to,eh. Parang aksidenteng natapakan lang ang sapatos, big deal agad."

"Because you don't know how I value my shoes.!!"

"Wait." pumagitna ako sa dalawang dragon na nagbubugaan ng maiinit na apoy.

Grabe. ang init talaga. Alam kong walang papatalo sa dalawang 'to.

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon