-Sam's POV-
"Mom, labas lang ako saglit." Paalam ko sa mommy ko.
Hawak ko ang gitarang bigay ni kuya matapos ang summer music class ko.
"And where are you going? Kakauwi mo lang galing sa school tapos aalis ka na naman?"
"Mom,babalik din po ako agad. Saka, it's been a while since puro school-home na lang ako. Diba?"
Niyakap-yakap ko pa si mommy para lang pagbigyan niya ako. "Sige na po."
"Hmp. Sa'n ka ba talaga pupunta?"
"Sa playground po."
"Sa playground? Naku, Samantha, hindi ka na bata para magpupupunta ka diyan sa playground."
"Mommy naman eh. May tatapusin lang akong composition." Pilit ko pa rin sa kanya.
"Hindi ba pwedeng gawin yan dito sa bahay?"
"Mom..."
Bigla namang dumating si kuya at nagmano kay mommy. "Oh, ano na namang pinagtataluhan niyo?"
"Kuya,si mommy,ayaw akong payagang lumabas eh."
"Baka naman kasi makikipag-date ka." Sabi niya.
"Hindi 'no! Hmp,nakakainis kayong dalawa." Tinalikuran ko na sila.
Nakakaasar naman talaga ang buhay, oh.
Mas maganda kasi ang ambience sa playground eh. Mas nakakagawa ako ng matinong literary work dun.
Saka ang-OA naman,oh. Ang liwanag pa eh.
Hindi pa nga lumulubog ang araw. Tsk. Tsk. Tsk.
Pero siyempre, hindi ako papayag na hindi makapunta dun, 'no.
Wehehe, siyempre tatakas ako.
Makakapunta pa rin ako dun sa ayaw at sa gusto nila.
Isinukbit ko ang guitara ko sa likuran ko saka lumabas sa maliit na terrace ng room ko.
Ngek.
Paano ako makakalabas nito?
Tatalon ba ako?
Teka,dapat ang tanong,kaya ko bang tumalon from second floor hanggang sa baba?
Kaya ko nga ba?
Hmmm...? Kaya mo ba Samantha?
Parang baliw akong umiling-iling.
Baka magkalasog-lasog ang katawan ko niyan.
Imbes na pupunta lang ako sa playground, ako na mismo ang naghabol kay kamatayan.
(kinilabutan)
Ano ba?!
Hmp!
Eh kung kumuha na lang kaya ako ng tali 'no? Itatali ko sa matibay na poste then makakababa na ako safe and sound.
Mas mayinong idea,right?
Hohoho. :-) >.<
Approve!
Ngayon, operation begin!!!
Pumasok ulit ako sa loob ng room ko, and poof! Everything is just according to my plan.
Tingnan mo nga naman oh.
Mabuti na lang at maraming kumot sa kwarto ko.
Pinagtali-tali ko ang mga iyon para hamaba, saka ko itinali sa bakal.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomansNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...