-Arriane's POV-
Pagpasok na pagpasok ko sa bahay namin, isa isa kong pinaghahagis ang ano mang bagay na mahagip ko.
''Bwisit! Bwisit! Bwisit!'' Nag-ingay ako sa buong kabahayan namin.
Isa isa namang naglabasan ang mga katulong namin.
Nagtataka sila sa ginagawa ko at natatakot din dahil alam nila ang ugali ko.
''Dammit!'' Aktong babasagin ko na rin sana ang favorite flower pot ni mommy pero lakas loob akong pinigilan ng isa sa mga mutchacha namin
''Why you're so pakelamera?! Get out of my way!''
''Ma'am, paborito po yan ni madam.''
''Wala kang karapatang harangin ako sa kung ano mang gawin ko. This is my house and you're just a mutchacha here.''
Iniwan ko na lang siya at nagkulong ako sa kwarto ko.
Dun ko itinuloy ang pagwawala ko.
Walang kwentang deal!
Nag-ayos at nagpaganda pa naman ako ngayong gabi. Maayos naman ang gown ko.
Bakit ganon si Jared? Halos magpatayan nga ang mga manliligaw ko, pero siya no effect lang ako samantalang ako na nga ang lumalapit sa kanya.
How could he be so rude?!
This is so unfair!! Ang sakit sa puso ko! Ang sakit tanggapin na kung sino pa ang punagtutuunan ko ng pansin ay siya pang mananakit sa akin.
Huhuhu >.<
Ang sakit sa puso!
Tagos na tagos!
Iyak lang ako ng iyak whole night.
Kinabukasan
"Oh my gossshhhh!! Kadiri!!" Tukoy ko sa sobrang namamaga kong mata. "Iiiiwwww"
"This is so disgusting!"
Narinig kong tumunog ang message tone ng celphone ko.
Si Clifford ang nagtext:
Hey, what's up? So how was the date? ;)
That sounds like sarcasm.
Anong akala niya, ganon kadaling manalo sa laban?
Siya nga first base pa lang kay Sam. Hmp.
Nagtext back naman ako:
FEELING GREAT THAN WHAT YOU EXPECT.
Reply niya: Nice :-)
Huh..?! Anong akala niya? At anong akala ng lahat?
Magpapatalo ako?
Excuse me. Hindi ako normal kung magpapatalo ako.
Agad na akong naligo, nagbihis at nag ayos saka lumabas ng kwarto ko.
''Clean those stuff now. I'm not going to eat anyway.'' Utos ko sa katulong namin.
Tinitigan lang niya ako sa mukha imbes na gumalaw siya para gawin ang ipinaguutos ko.
''What?! Ah oo nga pala, hindi ka nakakaintindi ng english. Sabi ko linisin mo na yang mga pagkaing yan dahil hindi naman ako kakain. Ano, naintindihan mo na?''
Nakatitig pa rin siya.
''What the--! Anong language ba ang gusto mo ha?! Chinese? Korean? What?!"
"Madam, hindi po kasi pantay ang make up mo.''
"Ano?! Don't mind it. Ganyan na ang uso ngayon.'' Palusot ko.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...