=My Happy Ending=

96 1 0
                                    

-Samantha's POV

"Sam! Antagal mo!" boses ni Keith

And she's surprised to see me hugging Arrianne.

"Anong meron? Nagpapaloko ka na naman ba sa ahas na yan?"

"Keith, nagbago na siya. At nag sorry na rin."

"At naniwala ka naman sa kanya?"

"Keith, everyone deserves a second chance."

"But not her!"

Hindi ko rin masisisi si Keith. Kaibigan ko siya at inaalala niya rin ako.

Pero naniniwala akong nagbago na talaga si Arrianne.

Ikinwento ko lahat ng sinabi ni Arrianne kanina.

At medyo kumakalma na si Keith dahil sa narinig niyang good news na hindi kami totoong magpinsan ni Jared.

"Omo! Ano pang ginagawa mo jan! Hanapin na natin siya!"

Patakbo kaming tatlong lumabas ng CR para hanapin si Jared.

Ayaw naming mang agaw eksena kaya isa isa kaming dahan dahang lumabas ng reception area.

"Hello? Saan?" si Arrianne. "Ah okay."

"Siya ba yun?" mas excited pa talaga si Keith sa akin.

"Tingnan natin dun sa parking area." turo ni Arrianne.

Nagtungo kami roon pero wala naman siya.

Hindi talaga namin siya mahanap.

"Let's just go back. Magkikita rin kami." sabi ko.

"Balik na tayo dun sa reception area." wika ni Arrianne.

Naglakad na ulit kami.

Excited pa naman ako.

Pero medyo kinakabahan din.

Ilang years ko na ba siyang hindi nakita?

5 years.

Ano na kaya ang hitsura niya?

Is he still that arrogant boss na pinagtitiyagan ko noon dahil mahal ko?

Siya pa rin kaya yung crush kong best enemy?

Napangisi ako.

He loves me still, naniniwala ako roon.

Pagkapasok namin sa reception area, bigla kaming may narinig na tugtog.

At nakakagulat kasi nakatingin ang lahat sa amin.

Tumingin ako sa stage kung saan naka pwesto ang bagong kasal.

Teka? Bakit bumaba ng stage sila Clifford at Daphnae?

Nakangiti rin silang nakatingin sa amin, particularly sa akin.

Alam ko, live band ang naririnig kong accostic guitar na tumutugtog pero nasaan?


*Ladyseraph's Intervention:

Please click the video beside. Credits to the video owner

After All by Peter Cetera and Cher*



Well, here we are again, I guess it must be fate

We've tried it on our own

But deep inside we've known

We'd be back to set things straight

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon