-Sam’s POV-
Haayyy, kahit first day pa lang, nakakapagod pa rin. Agad-agad kasing nagturo ang mga professor ko sa lahat ng subjects. Sigh. Sigh. Sigh.
Palabas na ako ng gate nang may matanaw ako sa labas ng gate. Si Kurt, ang masugid kong stalker. Kaya, imbes na lumabas ako, napaatras na lang ako. Mas mabuti pang bumalik kesa makita pa niya ako.
Nakakainis din kasi ang kakulitan ng lalaking yun. Ilang beses ko na ngang binasted, ayun, nangungulit pa rin.
Naging classmate ko siya sa PE namin last year at simula nun naging magkaibigan kami. Civil Engineering siya.
Okay naman ang pagkakaibigan namin eh, kaya lang nung nagsimula siyang manligaw, medyo hindi na komportable para sa akin ang lumapit sa kanya lalo at hindi ko mtutugon ang gusto niya.
Gwapo naman siya at mabait pa. Varsity pa siya sa Sepak takraw Team ng Engineering. Kaya lang, talagang hanggang friends lang ang gusto ko sa kanya.
“Sam!” lagot na. nakita niya ako.
Pero kunwari naman hindi ko siya nakita kaya, dire-diretso lang ako sa paglalakad. Teka, saan ba ako pupunta?
“Sam.” Sinusundan pa niya ako.
Oh no!! kailangan ko nang bilisan sa paglakad pero siyempre kunwari cool lang.
Nye. Help me. Saan ba ako pwedeng magtago?
Pumasok ako sa loob ng Sports Building.
Sige, akyat lang ng akyat sa stairs.
Nakakapagod. Hinihingal na ako. Hindi ko na kaya. Pero kailangang makarating ako sa dulo ng stairs na ito baka sakaling makahanap ako ng pwedeng pagtaguan.
Nanghihina na ang mga tuhod ko at hindi na normal ang paghinga ko kaya huminto na ako.
Naman. Pagod na pagod ako.
Pero nasan ba ako?
Fire exit stairs pala ng Sports Building ang dinaanan ko kaya walang tao rito at tahimik pa.
Naupo muna ako sa gilid para makuha ang maayos na paghinga ko.
Feeling ko, hindi na ako nasundan ni Kurt. Haaayyy, salamat naman kung ganun.
Medyo okay na ang paghinga ko kaya tumayo na ako at sumilip sa baba. Hindi ko makita si Kurt. Umalis na kaya yun? O baka naman hinahanap pa rin ako?
Maya-maya, napalingon ako sa nakahandusay na katawan doon mismo sa gilid ng tinatayuan ako.
“Oh my gosh!!” nagulat ako siyempre. Para kasing patay eh. At napalakas ata ang pagkagulat ko kasi nagising ito at nagtanggal ng jacket na nakatakip sa mukha nito.
At mas shocking nang makita ko kung sino iyon!! Hulaan mo!! Si Jared!!
“Bakit ka nandito?” yun ang pambungad niya.
“Eh ano ngayon kung nandito ako. Bakit? Teritoryo mo ba ‘to ha?”
Tumayo siya at lumapit sa akin.
Lumapit pa.
Nang lumapit.
Nang lumapit.
Hannggang sa isang dangkal na lang ang layo niya sa akin. Tapos yumuko pa siya para ilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Oh my!! Ludug-ludug-ludug-ludug-ludug-ludug-ludug. Yung puso ko, tumatalbog na naman.
“Paano kung sabihin kong oo. May magagawa ka?”
“Ahhh, ahhh..” bakit speechless ako? Nasan na ang defense mechanism ko?
“At dahil nandito ka sa teritoryo ko, mukhang mapanganib ang buhay mo.” Nakakatakot pa ang mata niya.
Sam? Sam? Sam!! Gumising ka! ‘wag kang madadala sa palapit-lapit niya ng mukha!! Hey Samantha!!
Natauhan ako kaya sinuntok ko siya sa tiyan niya.
“Aray!”
“Sinong mas mapanganib ang buhay?” sabi ko, sabay takbo pababa.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Parang gusto kong maiyak. And I don’t know why.
Good thing, wala na si Kurt. Agad akong pumara ng bus.
Nang makaupo na ako. Napahawak ako sa puso ko. Is this what is should get for being inlove? Bakit napaka-rude niya? Hindi pa ba ako nagsasawa sa mga ganung eksena na malimit niyang gawin sa akin since highschool? Bakit? Bakit? Meron bang makakapag-explain sa akin ng kahit na anong explanation? Kasi kahit ako hindi ko rin alam kung anong gusto kong sagot.
Sinaksak ko ang earphones ko sa cellphone ko tapos sa tenga ko. Naghanap ako ng song na bagay sa akin. At eto nga. Pangarap lang kita.
*Author's Note: Nasa right side po yung music with lyrics.*
Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo
Di tulad sa’yo, impossible.
Prinsesa ka, ako’y dukha
Sa TV lang naman kasi may nangyayari.
At kahit mahal kita wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita.
Ang hirap maging babae
Kung torpe you lalaki
Kahit may gusto ka
Di maaari.
Sana nga torpe lang ang issue dito. Kaya lang paano kung hindi naman siya torpe kasi talagang ayaw lang niya sa akin?
At kahit mahal kita wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita.
Haaa!! I hate this heart!!
Bakit kasi kung sino pa ang napaka-walang hiyang tao, sa kanya pa ako nagkagusto? Bakit kung sino pa ang taong gustong-gusto akong paiyakin siya ang gustong-gusto kong maging first boyfriend? Haaa!!
Naramdaman kong may nalaglag na luha mula sa mga mata ko.
“Samantha, ang OA mo talaga. Stop crying.” Sabi ko sa sarili ko habang sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...