=Bodyguard=

532 3 0
                                    

-Samantha's POV-

''Hey!'' Tawag sa likuran ko.

''That's my table you know that.''maarteng sabi ni palaka no.1.

Teka nga, kelan pa ba nagkaroon ng special property ang estudyante sa isang table sa library. Kahapon lang ba nagkaroon ng special propperty dito at hindi ko man lang yun alam?

Kunwari'y nagkamot pa ako sa baba ko. ''May nakapangalan ba rito? Bakit wala ata akong mahanap? O baka, may sira na ang mata ko?'' Naghanap-hanap pa ako ng pangalan sa table.

''Hey!''

Loko ko lang. >.<

Haha. Ang sarap mang-asar ng pikunin.

''Bakit? Meron ba? Ituro mo nga sa akin. I can't find kasi eh.''

''It desn't matter kung walang nakapangalan diyan.'' Sabi ng bagong dating na back-up ni palaka no.1. Mukhang ito pa ang tumatayong boss nila base sa galaw.

But I won't be afraid.

Pare-pareho lang kaming estudyante.

Umirap pa siya sa akin sabay upo sa chair kaharap ng table na pupwestuhan ko sana.

Well, hindi ako magpapatalo.

Pataasan kami ng sungay.

Umupo ako sa harapan niya, ipinatong ang bag ko sa table, inilabas ang book ko at ipinatong din iyon na kulang na lang solohin ko ang buong table.

Tinitigan ako ng matalim ng boss-bossang mataray.

Nakipagtitigan din ako.

Ngumisi siya. ''You know what, you just proved that you are really the girl everbody talks about. The intelligent bitch.''

What?! Omo!! Ang sama ng term nila sa akin ah. ''So what? You're envious?''

''How can I be so envious with a girl like you?''

''Yeah. You're so yucky.'' Sabi ng isang kasamahan niya.

Nagsalita pa si palaka no.1 ''Pero kahit makipaglapit ka pa ng super kay Jared, hindi mo pa rin makukuha ang simpatya namin.''

''That's right.'' Sang-ayon ni mataray. ''Kung iniisip mo na makakakuha ka ng maraming boto just trying hard to play as Ms. Friendly and Ms. Girlfriend ni Jared, still, talunan ka pa rin.''

''It doesn't mean na porket girlfriend ka ni Jared na mananalo ka na sa laban niyo.''

''You just proved na talunan ka talaga.''

OMG! Pinagtutulungan na nila ako.

At ano ang mga pinagsasasabi nila?

They're trying to accuse me of things na hindi ko man lang akalaing gagawin ko kahit sa panaginip--ang paibigin si Jared para manalo.

What's with this Government position?! Napilitan nga lang akong tumakbo diba?

Alam ba nila kung anong pinagdadaanan ko?

Alam ba nila kung anong pakiramdam ko?

Bakit ba lagi na lang si Jared ang mabango sa harap ng mga tao?

At ako at isang talunan lamang na nagpupumilit pumantay sa kanya.

I can't take this anymore.

Nagmamadali akong nagligpit at nag-walk out.

Gusto kong umiyak.

Sa taas ng building, sa rooftop, pwede ring sa fire exit stairs. Gusto kong maglabas ng sama ng loob doon.

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon