*Author's Note: Hello friends, firstime nyo makikilala ang si Keith dito. Hindi ko siya masyadong bibigyan ng kwento sa storyang ito kasi magkakaroon din siya ng sariling story. This is just a glimpse of her. Komawoyo*
"Salamat po. Etong bayad." Iniabot ko sa tindera ang bayad ng buko juice na binili ko.
Lumingon lingon ako sa paligid ko.
Ayan na siya! Ayan na!
Para akong tangang kinikilig.
Eh paano? Parating na si Zanjoe.
Kamusta naman ang hitsura ko?
Always pretty pa rin!
Nandito kami ngayon sa isang Youth Leadership Training.
Kasama ko dapat si Sam dito eh.
Kasi pareho kaming Youth Leader sa village namin.
Yes. Lumipat na po kami ng tirahan pero doon pa rin sa dati nagwo-work ang mga workaholic kong parents.
Hay naku!
Nagmumukha na akong stalker ni Zanjoe ngayon.
Ang childhood bestfriend niyang naging dakilang stalker na!
Bow.
Eh paano ba naman, konting usap, tingin, at lapit lang siya sa akin kung hindi pa importante hindi pa lalapit!
Mas lalo na rin kasing nawalan ako ng chance na makalapit sa kanya noon simula nang magka-amnesia siya.
At ni hindi na niya ako maalala.
Siguro ayaw lang talaga niya akong alalahanin.
Haha.
My head is saying no.
But my heart keeps giving in.Nag ring ang celphone ko.
"Hello."
"Ay, ang sungit ng hello. Bawal na ba akong mang-istorbo ngayon? At ano namang pinagkakaabalahan mo diyan bruha at ako pa ang nang-iistorbo?
“Ano ka ba, bestfriend. Alam mo namang may hidden agenda ako rito diba?”
“Oo, na. pero may problema ako.”
“Problema..? Ginamit mo na naman ba ang katangahan mo?”
Napaka-frank ko ‘no? at super rude
“Bestfriend nga kita.” sagot niya
“Sabi ko na nga ba, eh.”
Ikinuwento ni Sam sa akin ang problema niya.
Una yung pagkadulas ng dila niya kaya tuloy mapipilitan siyang lumaban sa Student Government Election. Ayaw pa naman ng bestfriend kong ito ang sumali-sali sa mga political issues gaya nun, dahil ayaw niyang magulo ang buhay niya. Pero kung tutuusin, yakang-yaka ng bestfriend ko kasi matalino naman siya at tinitingala siya sa department naming, gaya ko. hehe. Pero (actually may pero pa.) kung magme-mayor pa siya, sure win na. kaya nga lang Governor eh, at ang makakalaban pa niya, ang sikat na sikat na si Jared na nakakaabot sa national competition ang katalinuhan sa Engineering at kagalingan sa Basketball. Samantalang ang besty ko, hanggang provincial pa lang ang naaabot sa mga Accounting competitions sa amin.
Pangalawa, ay ang condition na kapag hindi siya manalo, forever siyang magiging slave ni Jared!!
“Teka nga besty, ayaw mo ba yun? I mean, forever slave!! Ibig sabihin niyan, matatali ka na forever kay Jared!!”
“Bruha ka!! Sawa na ako sa mga pambubwisit ng kutong lupang yun!! Mas okay pang malayo ako sa kanya kesa mamatay ako sa konsimisyon sa kanya!! Ilang beses na kaya niya akong ipinahiya at binalewala ko lang ang mga iyon dati. Pero ngayon, I won’t let it pass just like that. Tao rin ako ‘no, may damdamin.”
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...