-Jared’s POV-
“Bahala ka kung ayaw mong sumabay sa akin.” Sabi ko.
For sure narinig na niya yun kasi natanggal niya ang earphones niya nung nagsalita ako. Grabe, ume-effort na ako para lang tanungin siya kung gusto niyang sumabay.
Pero binalewala naman niya ang sinabi ko kasi agad din niyang isinaksak ulit sa tainga niya ang earphones niya. ‘langyang music ‘yan at hindi man lang binibigyang halaga ng babaeng ito ang sinasabi ko.
Pero teka nga, bakit ba ako nag-eeffort na tanungin siya? Hindi naman ako dapat ganito because I never been like this to anyone. Hindi ko pa nagawang magtanong ng ilang beses para lang siguruhin ang gusto kong malaman. i’m enough with one question.
Weird.
Isinuot ko na ang helmet ko.
“Hey!!”narinig kong tinawag niya ako.
“Hoy!!” sigaw niya ulit pero pinaandar ko na ang motor ko
“ Jared!!” bigla akong napahinto nang marinig ko ang pangalan ko.
Bakit nga ba..? Narinig ko lang na tinawag niya ako sa pangalan ko, tapos huminto na ako.
Anyway, kawawa rin naman siya kung iiwan ko siya rito samantalang same class lang naman kami.
Tapos, naramdaman kong sumakay na siya sa likuran ko.
Gumalaw ako para harapin siya.
At nagulat ako nang pumikit siya at pinagdikit ang mga palad, tapos nagsalita. “Please pasakayin mo na ako rito. Ayokong ma-late or kung male-late man ako, gusto ko pang makaabot sa klase natin. You see, after one hour pa may dadaan na bus. Ayoko namang sumakay sa LRT kasi punuan dun. Please. Please. Please. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta pasakayin mo lang ako rito at makaabot tayo sa tamang oras. Please—“ isinuot ko na lang ang helmet ko sa ulo niya.
Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Bigla na lang gumalaw ang mga kamay ko. Weird talaga.
Tapos pinaandar ko na ang motor ko.
Ano bang meron talaga sa akin kapag kaharap ko ang babaeng ito?
Siguro kasi nami-miss ko rin yung time na naging magkaibigan kami. Nami-miss ko lang siguro yung nagtatawanan kami noon.
Pero teka, nahihibang na ba ako? Bakit ganito ang iniisip ko?
Naramdaman kong yumakap siya sa likuran ko. And there it goes again. May weird na naman akong nararamdaman. Undescribable, unexplainable, basta ewan ko kung ano ‘to.
Pero dapat hindi ganito. Kasi ako yung Jared na hindi dapat ganito kasaya kapag feeling ko masaya siya. Dapat ako yung Jared na masaya kapag inaasar, pinapaiyak, at sinasaktan ko siya.
Ilang beses ko na bang dapat ipagsiksikan sa kukote ko kung anong dapat kong maramdaman?
Ilang beses ko na bang nilalabanan ang weird na feeling na ‘to?
Since elementary mula nang nag-transfer siya sa school namin nakilala ko na si Sam. Siya yung batang naka-red dress tapos mahabang medyas at black shoes (siyempre hindi pa siya naka-uniform) na nakatayo lang noon sa labas ng room namin na agad nakanakaw ng pansin ko.
(Flashback):
“Bakit nandiyan ka sa labas? Hindi ka ba giniginaw?” tanong ng batang Jared.
“Siyempre giniginaw ako ‘no. Pero natatakot akong pumasok sa room niyo.” Sagot ng batang Samantha.
“Sa room namin? So magiging classmate ka namin? Saka kausap ng mommy mo yung teacher namin.”
“Hindi siya ang mommy ko.”
“Eh bakit kasama mo siya kanina?”
“Kasi siya ang Tita ko. Kapatid ng daddy ko.”
“Bakit? Nasaan ba ang mommy mo? Diba dapat mommy mo ang kausap ng teacher?”
“Kasi.. kasi..” naiiyak na ang batang Sam. “Kasi binabantayan niya ang daddy ko sa hospital.”
“Bakit nasa hospital ang daddy mo?”
“Jared. Pumasok ka na sa loob.” Tawag ng teacher. “Isama mo na rin si Samantha, dahil ngayon, bagong classmate niyo na siya.”
Hinila ng batang Jared ang kay ng batang Samantha pero umiwas ang huli.
“Sabi ko, ayokong pumasok diyan. Natatakot ako sa masusungit na mukha ng mga classmate mo.”
“Wag kang mag-alala, kasi simula ngayon, magkaibigan na tayo. Kaya hindi ka nila pwedeng sungitan o saktan kasi mayayari sila sa akin.”
(End of Flashback)
Simula nun, naging magkaibigan na kami.
Natural na matanong lang ako noong bata pa ako, pero ngayon impossible nang maging ganun ako ulit.
At aaminin kong may gusto ako sa kanya noon kahit mga bata pa kami. Yeah, kahit mga bata pa kami, nakaramdam na ako ng weird na feeling sa kanya.
Pero sadyang malas siguro ako. Ay hindi pala, sadyang hindi pwedeng lumago ang weird feeling na yun na nararamdaman ko para sa kanya.
At ang dahilan?
Hindi pa ako handa para gunitahin yun.
Masakit din ang pinagdaanan ko para lang maka-move on at tuluyang ibahin ang pagtrato ko kay Samantha.
At ayoko na gunitahin pa iyon.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa school.
Ipinasok ko na sa loob ang motor ko at ipinark iyon malapit sa room namin.
“Jared, komawoyo.” Ganun talaga siya magpasalamat sa akin, kahit noon pa. at inabot na niya sa akin ang helmet ko.
“Next time, ‘wag mong masyadong gawing obvious ang pagyakap mo sa akin.” Yun lang ang sinabi ko at nauna na akong pumasok sa kanya sa loob ng room.
Ngumisi ako. Nasaktan ko na naman siya. Ito ang dapat kong gawin.
Dahil ito ang tama.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...