=Sinusundan ba niya ako?=

1.2K 8 0
                                    

-Sam’s POV-

                Haaayyy, ang sakit pa rin ng ulo ko. Siguro, malaking bukol ang meron ditto. Kainis naman kasi. Makapunta nga muna sa CR.

                Naglakad na ako papunta sa CR, sa harap ng salamin.

                Kinapa ko yung masakit na part sa ulo ko. Oo, may bukol nga. Eh sino ba naman kasing hindi mabubukulan doon? Grabe naman. Hmp.

                Tapos, naglakad na ulit ako papunta sa first subject ko—ang music class. Hehe, nag-enroll ako ng Music class. Gusto ko kasing maging expert sa gitara katulad ng kuya ko.

                Ang galling galling kasi niya sa lahat ng instrument samantalang ako, novice pa lang pagdating dun. Marunong ako sa keyboard. Pero siyempre gusto ko ring matuto sa gitara.

                Eksaktong pagpasok ko sa room namin, Guitar Class, pumasok na rin yung trainor.

                “Good morning trainees. I’m happy to see people like you na interesado sa music. I know, everyone of you has different talent at ngayon, nagsasama tayo for one reason. Let’s make this summer enjoyable and commendable. But before that. Gusto ko lang muna makarinig ng konting intermission. Who would like to volunteer?”

                Walang umimik sa amin, siyempre mga naninibago pa kami.

                “We have instruments there, don’t worry guys. Or kung nahihiya kayo kasi hindi pa kayo expert sa guitar, that’s okay. Naniniwala naman akong marunong kayo kahit basics lang.”

                As in, wala pa ring nagvo-volunteer.

Tumingin ako sa paligid. Parang gusto ko, eh. Ang kaso, medyo diyahe ako.

“Oh, may nagtaas ng kamay. Let’s see. Is it, I know you.” Sabi ng teacher.

Napatingin naman kaming lahat. And—oh my!! Sinusundan ba niya ako? Hehe, asa ko naman.

“Ang gwapo niya.” Sabi nung nasa likod ko.

“Oo, crush ko na siya.” Sabi naman nung katabi nun.

“Engineering siya diba?”

“Oo, player pa sa basketball team nila.”

“You’re in the Cosanta band of Engineering, right?”sabi ng teacher.

“Opo.” Kumuha na siya ng isa sa mga gitara na nkahilera sa parting likod ng room namin.

“Okay, let’s hear from you.”

“Actually sir, nag-volunteer lang akong mag-gitara at second voice. Pwede ba akong kumuha ng isa sa kanila para maging singer ko?”

“Oh sure.”

Nag-uunahan namang nagtaasan ng kamay yung mga babaeng classmate ko. Ako lang ang babaeng nakatunganga doon. Grabe, ang dami ko palang karibal, first day pa lang.

“Hmmm let me choose.” Mayabang namang sabi ng gwapong unggoy.

“Feeling talaga.” Bulong ko naman sa sarili ko.

“Ako na lang.”

“No! Choose me!”

“Hey, excuse me, ako dapat.”

“Samantha.”

At itong mga babaeng ito naman—teka. Ano? Narinig ko ba ang pangalan ko?

“Samantha, sumabay kang kumanta sa akin.”

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon