-Sam’s POV-
Papasok ba ako ngayon ng maaga? Parang tinatamad ako.
Second day pa lang ganito na ang feeling ko.
Pero excited akong maging expert sa gitara.
Pero, nandun si Jared.
Eh ano lang naman,di ba? Hindi dapat siya ang maging hindrance. Isa pa, gusto ko pa rin naman siyang makita.
Naman oh. Hindi ako makapag-decide.
Pero kailangan pa bang pagdesisyonan yun? Hmp. :3
“Marie!” narinig kong tawag ng kuya ko. “Papasok na ako, ah.”
“Hay, ayan na naman ang istorbo.” Nagtalukbong ako ng kumot.
“Hoy, ‘wag ka nang magkunwaring tulog. Nakita kitang gumalaw.” Hinila-hila ni Kuya Steve ang kumot ko.
At ako naman, todo effort na hawakan ang kumot ko, para hindi niya iyon tuliyang matanggal.
“Tumayo ka na nga diyan! Isa. Dalawa… Mommy, ayaw niyang tumayo pero gising na siya!!”
Kainis naman oh.
“Hoy Marie! Marie! Marie! Samantha Marie! Tumayo ka na diyan!”
“Ang ingay mo kuya! Baka gusto mong isumbong ko kay Ate Clarissa ang kaingayan mo! At sasabihin kong hindi ka mabuting kuya kasi pilit mo akong ginigising kahit inaantok pa ako! At sasabihin ko ring—hmmm!!” tinakpan niya ang bibig ko.
“Bakit? Oras na para gumising kasi nga may pasok ka na, kaya kita ginigising ‘no!”
“Ah, bitawan mo ako!!” makagat ng ang kamay nito.
“Aray!!!”
Sabay bumaba na ako sa higaan ko at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ko.
Teka, saan ako pupunta? Saan ako magtatago. For sure masasapak ako ng kuya ko ‘pag nahuli niya ako.
Dire-diretso ako pababa hanggang sa salas. Baka sakaling makahanap ako dun ng pwedeng pagtaguan.
At muntik na akong madapa sa pagmamadali plus may nakita pa akong gwapong monster na nakaupo sa sofa namin.
Freeze.
Nganga.
“Hoy! Ang sakit nun,ah.” Tinapik ako ng kuya ko sa likod.
Take note: tapik lang yun ah. Hindi naman bugbog. Medyo mabait naman ang kuya ko,eh. Medyo nga lang. hehe. >.<
“Kuya naman, eh. Bakit hindi mo sinabi sa akin?” bulong ko sa kuya ko.
“At bakit ko kailangang sabihin sa’yo? Hoy, para malaman mo, ako ang sadya nyan dito. Hindi ikaw.” At ang mabait kong kuya, nilakasan pa ang boses.
Actually, medyo may alam din si kuya sa love life ko. Eh kasi naman magka-vibes ang dalawang ‘yan sa basketball kaya napapansin siguro ng kuya ko. Lalo na nung highschool pa kami kung kailangan lumabas ang pagka-gaga ko na lantarang kinikilig sa panonood sa kanilang maglaro.
“Eh bakit? Anong bang sabi ko.” At ako naman si Ms. Palusot. Sana nga lang mabenta.
“Di ba, binulong mo kanina sa akin na sana sinabi ko sa’yong nandito pala si Jared nang sa gano’n nakapagmake-up ka muna bago ka bumaba?”
Aba’t, itong kuya ko talagang ito,oh. “May sinabi ba akong ganun?”
“Oo. Di ba narinig mo, par?”
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomantikNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...