*This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
*Ladyseraph's Note: Please bear with some typo errors and wrong spellings. I-eedit ko na lang. Thank you for understanding. Lavya guys. Muah 😘*
=Ang simula=
-Sam's POV-
"Bestfriend!! Kumusta ka na? kumusta naman ang bakasyon mo dyan sa Palawan?"kausap ko sa bestfriend ko mula sa cellphone.
"Hay naku bestfriend, it's so relaxing. Dapat kasi sumama ka na rin dito at nang nakita mo. Hindi lang yun, mararanasan mo pa."
"Sige inggitin mo lang ako. Alam mo namang may summer class kami diba? Saka kung sana inantay mo munang matapos ang summer class ehdi nakasama rin ako."
"Nagbibiro ka ba? Alam mo namang after na naman ng summer class, enrollment na naman? At saka hello, kaka-start pa lang ng summer class 'no? Ang tagal pa ng aantayin ko."
"Oo, sige na, ikaw na. ang selfish mo talaga."
"Ano ka ba naman bestfriend, buti nga sayo busy ka lagi kasi nga may class ka, samantalang ako? Kung hindi pa ako nagbakasyon, ano na lang ako? Hanggang bahay lang?"
Napanganga ako, ayan na siya. Eto na naman at bumibilis ang tibok ng puso ko. Haaayyy, kelan ba magiging totoo ang miracles?
"Hello? Bestfriend? Hello? Hello? Hello!! Samantha Marie Sandoval?!!!"
Nagulat naman ako bigla sa sigaw ng bestfriend ko. "Ano ba Catherine Keith De Castro?"
"Haaayyy, akala ko nabangga ka na."
"Grabe ka naman."
"Eh bigla kang hindi sumasagot 'no!"
"Nakita ko na naman kasi siya."
"Ano? Baliw ka na talaga bestfriend. Yung unggoy na lalaki na naman ba ang tinutukoy mo?"
"Oo, yung unggoy na crush ko."
"Sana may bumagsak na bulalakaw dyan sa ulo mo at nang matauhan ka na!"
"Ouch!"
"Ano yun?"
"Masakit. Natamaan tuloy ako."
"Bulalakaw ba yun bestfriend? Nagkatotoo ang wish ko?"
"Ang sakit ng tama ng bola."
"Nakatayo ka kasi dyan alam mo namang naglalaro kami." Sabi ng tinig lalaki.
"Si Jared ba yun?" tanong ni Keith
So, kasalanan ko pa talaga? Masama bang manood? "Tatawag na lang ako ulit mamaya bestfriend. May aayusin lang ako."
"Hey, teka-" pinatay ko na.
"Well, I'm sorry kung dito ako tumayo sa isang sulok na hindi naman sakop ng court at mukhang patay na patay sa akin yang bola nyo kaya hinabol pa ako hanggang dito."
"Mabuti naman at nagkakaunawaan tayo." Sabi niya sabay pulot ng ball.
Aba't ang kapal talaga ng mukha. Kung hindi ko lang 'to crush baka pinadukot ko na 'to sa mga masasamang tao at ipabenta ang lamang loob nito. Nakakaasar talaga.
"You should learn where to stay next time." Sabi pa niya bago umalis
Grabe. Umuusok na ang ilong ko. Super yabang talaga!! At ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa isang taong ganito ang ugali.
Well, blame my heart. Hindi kasi marunong mamili ng tamang tao.
Since elementary pa kami magkakilala ni Simon Jared Caraca. And to tell you the truth, super close kami noon. Lagi kaming nagsasabay umuwi galing sa school. Lagi kaming magkasama. Parang bestfriend ko na siya noon. At doon ako unang nagkagusto sa kanya.
Masaya talaga kami sa ganoong buhay noon. Kaya lang, ewan ko kung anong nangayari kasi pagdating ng high school, hindi na kami ganun ka-close. Isa pa, nag-iiba na ang ugali niya nun.
Hanggang sa dumating ang third year highschool namin, dun na siya tuluyang nagbago. Naging mayabang na siya, nahawa siguro sa mga kaibigan niya. At parang ayaw na niya sa akin. Why? Kasi lahat ng ginagawa ko, parang mali sa kanya. Kahit tumawa lang ako pinagbabawalan akong tumawa. At lagi pa niya akong inaasar.
Alam niyo bang since elementary, alam na niyang may gusto ako sa kanya? At ngayong third year college na ako sa BS Business Administration, ganun pa rin ang feelings ko sa kanya. At siya? Wala, as in deadma. Haaayyyy.
I wonder, ang layo ko naman sa court pero bakit natamaan ako ng bola?
-Jared's POV-
"Hoy, par sinadya mo yun 'no?" tanong ng isang kasama ko, si Conrad
"Oo nga, imbes kasi na sa basket mo i-shoot yung ball, bigla mong pinalipad dun sa babaeng yun." Sabi pa ng isa, si Vincent.
Heto kami at nagpapahinga na muna.
"Kawawa tuloy siya. Ang cute pa naman niya." Sabi pa ulit ng isa pa, si Alex.
Teka, bakit ko nga ba siya tinamaan ng bola? Hindi ko rin matukoy ang dahilan nun, basta bigla na lang nung natanaw ko siyang naglalakad at may kausap sa phone habang tumatawa.. Teka, ano ulit? Nung may kausap siya sa phone at tumatawa..
"Hoy, wag kang ganyan pare, alam mo bang kay Jared lang yun." Si Conrad
Teka, oo, nung may kausap siya sa phone at tumatawa, parang may iba akong naramdaman. Pero hindi ko matukoy. Kaya ang first reaction ko, batuhin siya ng bola. Saka, parang gusting-gusto ko lagi siyang inaasar. Ewan, parang ang saya kasi niyang inisin.
"Hahaha, so sinasabi mo bang may gusto si Jared dun sa babaeng yun?" si Alex
"Hmm, ewan ko rin. Pero Jared, diba?" siniko ako ni Conrad.
"Ano ba?"
"Ay, kumukulo na?"
"Diba since elementary mo pa classmate yun?"
"Alam mo naman na, tinatanong mo pa."
"Ang ayos ng sagot."
"Masyado kasi kayong matanong, eh. Mauna na ako sa inyo." Sabay nag-ayos na ako ng gamit. At iniwan na sila.
Dumiretso ako sa locker ko sa Engineering building. Third year BS ECE na rin ako kaya medyo nagiging busy na. Actually, hindi naman required sa amin ang Summer class hindi tulad ng ibang department. Pumupunta lang ako sa school para magpractice ng basketball. Varsity player din kasi ako ng department namin. At nag-enroll din ako sa Music summer class. Ako ang lead guitarist ng banda namin sa Engineering department at gusto ko pang mas matuto.
Matapos kong magpalit ay nagpunta na ako sa Music building.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...