=Frustrated=

525 4 5
                                    

-Sam's POV-

Kinakabahan ako.

Yeah, that's the right term.

A short description but a simple way to explain everything I feel.

Bakit?

Kasi this is the day.

The day that I've been waiting for.

Ang araw ng election.

At diba kapag kinakabahan ka either may nangyaring masama o may mangyayaring masama?

Haaayyy, eto na yun.

Matatalo ako base sa kaba ko.

Pero expected ko na 'to.

I just don't feel well.

Siguradong, starting tomorrow, I'll be marked as Jared's slave forever.

Ang epic fail ko.

''Besty, relax okay?'' Pangko-comfort ni Keith.

Nasa tabihan ko lang siya all this time habang nag-aantay kami sa result ng election dito sa conference ng SG.

Kasama namin ang ibang kandidato, ofcourse pati si Jared.

He's so relax and confident. Ni hindi ako makakita ng takot sa expression niya.

I'm really a pathetic star trying to fight a high and mighty sun for the students.

''Natatae ako besty.'' Bulong ko.

Natawa siya na nagpalingon sa iba. Bigla kong tinapakan ang paa niya para manahimik siya.

''Wag ka ngang patawa Samantha.'' Dinuro niya ang noo ko habang natatawa pa rin. ''Mas expected ko pang sasabihin mong 'naiiyak ako sa takot' o kaya 'nanginginig ako sa kaba' o kaya naman 'feeling ko talo na ako' kesa sa ganyan ang sabihin mo.''

''Totoo naman yun eh. Gusto ko talagang magCR.''

''Ang sabihin mo, you're just finding alibis to escape.''

''Keith naman eh, akala ko ba bestfriend kita.''

''Bestfriend mo nga ako at nasa tamang posisyon din ako para pagsabihan ka.''

''Give me chocolates. Kinakabahan talaga ako eh.''

''Ayan, mas gusto ko pang marinig na ilabas mo ang nararamdaman mo. But as I said, relax. Kung talo ka, let it be. That's God's will.''

''So magiging slave na nga niya ako forever.''

''Kung hindi ka ba naman kasi nagpa-control sa galit mo at nagpadala sa madaldal mong dila, may problema ka ba ngayon? Tanggapin mo na lang kung anong mangyayari.''

''Haaaayyyy. Uwi na tayo. Ayoko nang antayin ang results.''

''Ha?''

''For sure, bukas iba na ang buhay ko. May natitira pa akong oras. Gusto kong lubusin muna ngayon ang kalayaan ko.''

''That's my bestfriend!'' Napatayo sa tuwa si Keith saka hinila na ako palabas ng conference, palabas ng school.

Parang ipinakita lang niya na talo nga talaga ako.

Haaayyy, ang bestfriend ko talaga.

Kumain muna kami sa isang fast food chain, nag window shopping, naglaro sa isang amusement stall sa mall, nanood ng sine. Bumili ng kung anu-anong romantic comedy books. Nakinig sa performance ng live band sa mall, at naglakad na pauwi.

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon