-Jared's POV
..continuation"First love ko si Christopher, highschool pa lang kami noon. We are really best of friend. Bata pa lang ako siya na ang bestfriend ko. Siya lagi ang karamay ko lalo na sa tuwing pinapagalitan ako ng daddy ko noon. Siya ang naging hero ko, kaya siguro nahulog ang loob ko sa kanya. Pero alam kong iba ang mahal niya."
"Si Carmila, ang lola ni Samantha, siya ang pinakamamahal ni Christopher. Masyado akong nasasaktan noon hanggang sa nag college na kami at naging sila. Naghanap ako ng masasandalan ng araw na malaman ko yun hanggang sa nakakita ako ng kakampi sa katauhan ni Danilo. May nangyari sa amin apo at hindi ko inaasahang magbubunga iyon, si mommy mo."
I was really shocked to know that! So hindi si Christopher Sandoval ang lolo ko!
"Sobra akong kinamuhian ng daddy ko lalo at tinakbuhan at tinaguan ako ni Danilo. Nung pilit na akong pinapaamin ni daddy kung sino ang may kagagawan ay wala akong ibang naisip sabihin kundi si Christopher. Dala na rin siguro ng takot at muhing nabubuo sa puso ko."
"Kaya pilit kaming ikinasal na dalawa. Alam ko, galit na rin si Christopher sa akin noon dahil sinira ko ang buhay niya. Binigyan ko siya ng kahihiyan lalo at balak na rin pala nilang magpakasal ni Carmila noon dahil nagdadalang tao na rin siya."
"You see hijo, it was all my fault, my wicked ideas. Sinira ko ang buhay naming tatlo. Nagsama kami ni Christopher but it was like hell. Lagi kaming nag aaway noon hanggang sa nagpa annulled kami ng kasal lalo nung napatunayan niya sa daddy ko na hindi niya anak ang mommy mo."
Naiiyak na si lola.
I understand what she feels.
Nanginginig na rin ako sa mixed emotions ko.
"And afterall the mistakes I've done to him, nanatili siyang tahimik at inilihim na hindi niya anak ang mommy mo. Napakabait niya kasi he still took all the blame and embarrassment. Ni hindi na niya ikinalat ang katotohanan. And I was still this despicable person kasi inilihim ko ang katotohanang iyon sa inyo ni Samantha. I'm sorry apo. Please forgive me. Please flyback here in the Philippines and reconcile with her. Find your true happinness hijo."
Matapos ang pag uusap na iyon ay namalayan kong lumuluha na ako.
>End of Flashback<
Kaya ngayon, heto na ako at naghahanda physically and emotionally.
Pupuntahan ko si Samntha and she's at the wedding since nabasa ko sa invitation na usherette siya.
"Lola, wish me luck." humalik ako sa pisngi ni lola.
Ang laki na ng pinagbago niya.
Naka wheel chair na siya ngayon at si mommy ganun pa rin ka abala sa business ng pamilya.
"Godbless apo. You can do it."
Actually, napatawad ko na rin si lola kaya bumalik na rin ako rito sa bahay.
I know how she feels.
Na inlove lang siya at hindi ko siya masisisi.
Naging kontrabida man siya sa lolo at lola ni Samantha, sa lovestory naman namin, alam kong hindi niya kami sasaktan.
Nung una, oo. I mean, 5 years din kaming nagtiis, pero alam kong itinutuwid na ni lola ang pagkakamali niya.
At nagpapasalamat ako dahil kahit paano naisip niyang may pagkakamali siya.
"Thank you lola."
"Oo namam apo, mahal kita eh."
Umalis na ako sa bahay at ilang minuto nakarating na rin ako sa reception.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...