=Championship 2=

357 5 1
                                    

-Sa kasalukuyan

Nakasimangot ako at nakita kong kinindatan ako ni Jared habang nagwa-warm up pa lang sila.

Kinilig si Keith mula sa tabihan ko.

May mga narinig din akong mga dismayadong fans ni Jared dahil kinindatan nya ako.

"Kung alam nyo lang, hmp." Bulong ko sa sarili ko.

"Hoy ano ka ba? Fighting! Yan ang nasa tarpaulin mo. Yan dapat ang sinasabi mo."

"Manahimik ka na nga lang."

May narinig akong tumawag sa pangalan ko mula sa likuran.

Lumingon ako.

Grabe!

Dear sahig, lamunin mo na ako please.

Si Clifford pala iyon at nakakahiya ang itsura ko.

Feeling ko, isa akong desperadang fans ng isang mayabang pero cute na unggoy. --.--

Nag-hi na lang ako kay Clifford.

"No wonder, kaya siya mahilig maglalalapit kay kay Mr. Gwapo kasi fan din pala siya." May narinig akong palakang nag ingay.

"Ssshh, di ba nga secretary na siya ngayon. Matapos siyang talunin sa election."

"Kaya nga friendship kasi super desperada siya sa idol natin. Baka pinagbigyan lang."

Itatapon ko na sana sa mukha ng mga maiingay na palengkera ang hawak kong tarpaulin pero naagapan ako ni Keith bago ko pa man magawa iyon.

"Sa mismong likuran ko pa kasi nag chichismisan ang mga ito! Masakit sa tainga! Sila na lang kaya sa pwesto ko, tutal mas desperada pa naman sila sakin." Parinig ko.

"Hay naku besplen, mga inggitera lang mga yan." Inilapit ni Keith ang bibig nya sa tainga ko at bumulong. "Kung ako sayo, mas aasarin ko sila imbes na ikaw ang maasar. Alam na, asar talo."

Napangisi ako sa sinabi ni Keith.

May silbi naman pala itong bestfriend ko eh.

Pero promise hindi ko kikibuin si Jared matapos itong larong ito.

Narinig naming nagsisimula na ang game.

Hmp, tatapusin ko lang ang larong ito para mang-asar.

Lumingon ulit si Jared sa direksyon namin ni Keith.

"Hooo! Go Jared!" Sigaw ni Keith tapos tinapakan ang paa ko.

"Go Jared! Wag kang magpapatalo!" Tinaas taas ko pa ang tarpaulin na hawak ko.

Napangiti si Jared sa ginawa namin ni Keith.

At nararamdaman ko ding nilalamon ng inggit ang mga palakang nasa tabi tabi.

Haha ;)

Maraming nagchi-cheer at palakasan kami ng mga boses.

"Jared! Laban lang! I love you na pag nanalo kayo jan!" Sigaw ko.

Napalingon si Jared sa gawi ko.

Maging si Keith, nanigas din atang nakatitig sakin.

Sobrang malakas ba yung sigaw ko?

Natural, palakasan nga kami sa cheer diba?

Teka, may mali ba sa sinabi ko?

'Jared! Laban lang. I love you na pag nanalo kayo jan!'

Oh no!

Nasabi ko talaga yun?!

At isinigaw ko pa.

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon