-Samantha’s POV-
“Limang malalaking roller coaster nga po. Yung pinakamalaki.” Iniabot ko sa tindera ang bayad.
And guess what, heto na naman ako at ginagawa ang obligation ko.
Kung ano man yung obligation ko? alam mo na yun.
At one week ko na ring napagtiisan yun.
Nakakaasar nga kasi, araw-araw, hindi ko lubos maisip kung bakit ang simpleng pabor na hiningi ko sa mokong nay un noon, may ganito palang kaakibat na kapalit.
My head is saying no
But my heart, it’s giving in
Cellphone ko yun ah.
Binasa ko ang naka-register na caller.
‘Master Unggoy’ na walang iba kundi si Jared.
So hard to let it go
When it’s there onto my skin
Well if this is the face of a sinner
And if ever it’s only for winners
Ayoko ngang sagutin.
Well I don’t care
‘Coz I won’t know anybody there
Bakit ang kulit ng taong ‘to? Kailangan pa talaga akong tawagan? Sisipot naman ako sa usapan namin ah. Kahit nga ilang ulit ng sinasabi ng utak ko na wag ko na lang tuparin ang pagiging slave ko sa kanya, matino pa rin naman ako ‘no. hindi naman ako loko-loko gaya ng iniisip niya. Kasi may word of honor din ako. Hmp.
Sinagot ko na. “Problema mo?”
“Na naman..? Ganyan na lang ba lagi ang ibubungad mo sa akin..?”
“Bakit?”
“Hindi ba pwedeng ‘Hello. Ano po yun master?’ Mas magandang pakinggan di ba?”
At nagdedemand pa ang kumag. “Hoy Mr. Antipatikong mayabang na tamad at masama ang ugali, ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo na kahit may usapan tayo tungkol sa slave thing na ‘yan, never kitang tatawaging master!! At kung itatanong mo ang tungkol sa roller coaster mo, nabili ko na!! limang malalaki pa para hindi mo na ako pabalik-balikin sa tindahan.”
“Good.” Yun lang at nag-hang-up na siya sa call.
At ang feeling ko..??? Grabe!! As in gusto kong sumabog sa super inis!! Kung pwede nga lang pakulugin at pakidlatin ang mundo para lang maramdaman nila ang inis ko, nagawa ko na.
“Nakakainis kang roller coaster ka!!” pinagtatatapon ko sa lupa isa-isa yung mga roller coaster. Pakialam ko ba kung siya ang kakain “Sana sumakit ang tiyan mo sa pagkain nito.”
Kung bakit kasi mas inaalala pa niya ang roller coaster na favorite niyang kainin kesa sa feeling ko bilang tao.
At bakit nga ba naging crush ko ang kutong lupang yun na may ganun talagang ugali?
Itatapon ko na sana yung panghuling roller coaster na hawak ko sa lupa ng may narinig akong nagsalita.
“Sa palagay mo ba, papayag pa akong kainin ‘yang roller coasters na ‘yan gayong nakita ko na kung paano mo pinagtatatapon ang mga iyan?”
“Bakit? Wala ka namang pakialam kahit saan nanggaling at anong nangyari sa mga ito basta’t roller coaster ang kainin mo di ba?!” inirapan ko siya.
“At ngayong alam ko na, hindi ko na kakainin ang mga yan. Isa pa, hindi ko rin babayaran yan sa’yo.”
“What?” talaga bang nilikha ang lalaking ito sa mundo para lang inisin ako?
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...