-Sam’s POV-
“My Dearest bessy!!!!” niyakap-yakap at hinalikan-halikan ako ni Keith sa mukha.
Ngayon na lang ulit kami nagkita eh. Nung enrollment kasi nasa Palawan pa rin siya. At siyempre dahil mabait akong bestfriend, ako na ang nag-enrol para sa kanya.
Ang bestfriend ko kasing ito, masyadong nilubos ang bakasyon.
“Yuck!! Kadiri!! Eeewwww!!!” reklamo ko.
Biglang napatigil si Keith sa ginagawa niya, “Ang arte mo naman Samantha. Sige, ako na ang naka-miss. Ako lang ang naka-miss sa’yo.” Pagtatampo niya.
“Eh bestfriend, alam mo namang kulang na lang sumpain kong hindi na mag-start ang first sem, diba? Dahil sa malaking problema ko. Aaaaahhh!!” pumadyak-padyak pa ako.
“Ang OA mo talaga!” tinampal niya ang mukha ko.
Bestfriend ko nga siya. Ang rude niya eh. >.<
Nginusuan ko siya. “I hate you. Imbes na suportahan mo ako, parang mas lalo mo pang dinadagdagan ang sama ng loob ko.
“Hey, ano namang, ikinasasama ng loob mo dun?”
“Masama ang loob ko dahil nagkaroon ako ng traydor na dila.”
Natawa bigla si Keith.
Actually, hindi lang basta tawa, eh.
Halakhak.
Oo, napakalakas na halakhak at lahat ng napapadaang estudyante sa paligid namin ay napapalingon sa amin.
Grabe ‘tong babaeng ‘to ah.
Kung hindi ko lang ‘to bestfriend nilayuan ko na ito.
Nakakahiya na siya eh.
Sino ngayon ang OA??
“Hmp!” tinampal ko rin siya gaya ng ginawa niya kanina.
“Aray!” tumigil siya bigla sa paghalakhak.
Pero tumawa na naman ulit.
“Tama na nga! Ikaw na ang OA!! Tinalo mo na ako!!”
Tumawa ulit siya, “Nakakatawa ka kasi bestfriend!! Hahaha!!”
“Stop Laughing at me!!” nakaka-inis na ‘tong baluga na ‘to ah.
“Eh kasi, nagsasabi ka ng kung anu-ano. Sabi mo, masama ang loob mo dahil sa dila mo. Haha, so sinong may kasalanan nun? Diba ikaw din lang? Haha. So na-realize mo na rin kung gaano katalim ‘yang dila mo. Dapat noon pa lang pinaputol mo na ‘yang traydor na dila na ‘yan.”
“Aaaahhhhhh!!!” napa-iyak tuloy ako sa sinabi niya.
Bigla na ring sumeryoso si Keith. “Samantha, First sem na!! Kailangan mo nang harapin ang katotohanang kailangan mong kalabanin si Jared sa election. Hindi mo dapat pino-problema yan. Kasi girl, alam mo, magkaka-wrinkles ka lang sa pag-iisip dyan. And look, what are these, eyebags!! Hindi pa nagsisimula ang klase natin, may eyebags ka na. Bakit, wala ka bang tiwala sa sarili mo? Let’s fight him!! At magpa-public apology siya sa’yo sa araw na manalo ka!! Kaya bestfriend, mamaya matulog ka na ng mahimbing. Wag mo nang isipin ang unggoy nay un dahil alam kong may laban ka parin.”
Ang galing talagang mag-motivate nitong bestfriend ko eh. Imbes na good things ang sinasabi, kinukutya pa ako eh. Pero infairness, nadadala pa rin ako sa sinasabi niya. May mga kabuluhan.
“Naiintindihan mo ba ako?”
“Opo madam.” Napatango na lang ako, pero halatang pilit.
“Anong opo ka dyan, ‘yang mukha mo naman parang pinagsakloban pa rin ng langit at lupa. Ay hindi lang pala yun, pasan mo na rin ang universe sa itsura mo.”
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...