-Jared’s POV-
Kanina pa ako nilalamon ng inis ko dito.
Una, sa nung Music class namin, naiinis ako dahil sa ibang pwesto umupo si Samantha. Dapat dito siya sa harapan ko nakaupo gaya ng nakaraang lingo. Pero ngayon, iba na ang pwesto niya. Hindi lang yun, dun pa mismo siya umupo sa mayabang na Clifford na yun.
Pangalawa, naiinis ako sa way ng pagtingin ng Clifford na yun sa kanya. Feeling ko, may pahiwatig ang pagsulyap-sulyap ng kumag na yun kay Samantha.
Pangatlo, naiinis ako kasi hanggang ngayong lunch time, kasama pa rin si Samantha sa grupo ni Arrianne at Clifford. Ano bang nangyayari? Dapat ako ang kasama niyan kasi slave ko siya. Imbes na nandun siya at nakikipag-flirt sa mayabang na kumag dapat kasama ko siya at pinagsisilbihan niya ako.
Pang-apat, naiinis ako sa sarili ko. Oo, tama nga. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis nga ako. Inis na inis na inis na inis na inis. Ah basta. Inis ako sa sarili ko dahil naiinis ako.
Magulo ba?
Pero parang hindi magulo, diba?
Sige, uulitin ko in a simple way.
Naiinis ako sa sarili ko sa kadahilanang naiinis ako. Alam mo na yung first three reasons ng inis ko. Yun din ang reason kaya ako naiinis sa sarili ko.
Ano ba kasing meron sa Samantha na yan at nagiging komplikado palagi ang buhay ko.
Tumingin na naman ako sa table nila.
Tawa sila ng tawa. Akala mo wala ng bukas kung makatawa sila.
At ang bumibida? Siyempre yung kumag.
“Hoy Jared, kanina ka pa lumilingon sa table ng Ms. Slave mo. Nagseselos ka ba?” asar ni Conrad.
Kasama ko sila sa lunch kasi may practice kami mamaya.
May semestral game kasi kami sa start ng new school year.
“Oo nga par. Hindi kaya,” may pabitin-bitin pang nalalaman ‘tong si Alex na ‘to
“Ano?”
Tapos saba-sabay silang tumawa ng nakakaloko.
Ang mga walang modo kong kaibigan pinagkakaisahan pa ako.
“Ano bang napasok sa kinakalawang niyong mga kukote?” pinagbababato ko sila ng kapiraso ng tinapay na kinakain ko.
Pero patuloy pa rin sila sa pagtawa.
Mas lalo akong iniinis ng mga ‘to ah.
“Hoy, manahimik na nga kayo.”
“Aminin mo na kasi par.”
“Oo nga, ganun lang naman kadali yun,eh.”
“Ikaw, ha!” sinapak ko si Alex. “At isa ka pa!” pati si Conrad
“Hmp. Mas inaamin mong guilty ka!” mas nang-asar pa si Conrad.
At nag-high five pa ang dalawa.
Naiinis na talaga ako. Kanina pa. at dinadagdagan pa ng mga lokolokong ‘to.
Tumingin ulit ako sa gawi nila Samantha.
Nakakainis dahil nakikita ko siyang tumatawa.
Ano pa bang pwedeng term ng inis?
Actually, napapansin ko na kasing puro inis na ang nasasambit ko.
Redundancy na.
Kinuha ko ang cellphone ko at isinaksak doon ang earphones ko pati na rin sa tainga ko.
Hindi na ako namili ng kanta, basta kung anon a ang una kong nakita, yun na ang na-play ko. Basta gusto ko lang hindi marinig ang pang-iinis ng dalawang ‘to.
Now playing: Desperate measures by Marianas Trench
Gonna make a heartthrob out of me
Just a bit of minor surgery
This deperate time calls for desperate measures
Tapos nakita ko ang bag kong punong-puno ng mga pampalit ko at sapatos.
I'll give you something to cry about
Show some skin, and would be, cash out
How could you let this get to desperate measures now?
Napangisi ako. May pumasok na magandang idea sa utak ko.
For a first effort this,
Feels kinda last ditch
I guess this just
Got kinda drastic
Trust us you just fell off the bus, baby
Bakit ngayon ko lang ‘to naisip.
Tumayo na ako para isakatuparan ang plano ko.
I can't let this, I can't let this go
“Hey man! We’re still talking.”
“Yeah! Tumatakas ka!”
“Mga kutong lupa kayo!” sigaw ko sa kanila. “Gagawin ko lang ang kanina ko pa dapat ginawa.”
Narinig kong nagtawanan lang sila.
When I got you right where I want you
I been pushing for this for so long
Kiss me, just once, for luck
These are desperate measures now
Nagsimula na akong maglakad.
I can't let this, I can't let this go
Palapit sa kanila.
Have a piece of American dream
Open up, and swallow, on your knees
And say "Thank you"
I'd like some desperate measures, please
Nang palapit.
For a first effort this,
Feels kinda last ditch
I guess this just
Nang palapit.
Got kinda drastic
Trust us, you just fell off the bus, suckers
Yeah, well, payback is a mother fucker
Nang palapit. Tinanggal ko na ang earphones ko.
Tulong talaga ang music sa mga ganitong pagkakataon. Mas naudyok akong gawin ito.
I can't let this, I can't let this go
Nang palapit.
Hanggang sa nasa likuran na niya ako.
Napansin naman agad ako nung kaharap niyang babae.
At nagpacute pa sa akin.
Ipinatong ko ang dala-dala kong bag sa harapan niya—dun sa table sa harap niya.
At siyempre nagulat siya. Ano pa nga ba?
“Dalhin mo ‘yan at sumunod ka sa akin.” Yun lang ang sinabi ko at naglakad na ulit ako palayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...