-Sam's POV-
Kasama ko si Jared habang naglalakad kami pauwi.
At siyempre bilang slave niya ano pa nga bang papel ko, taga-bitbit na naman ng mga gamit niya.
Mabuti na lang at nagpahinga na muna sila sa band practice kasi basketball ang pina-praktis nila ngayon.
Kaya ang hawak ko ay bag niyang maraming lamang damit at sapatos. Samantalang hawak naman niya ang kanyang books at laptop.
Eto ba naman kasing lalaking ito, ang daming sideline.School Basketball Varsity Team Captain.
Student Governor.
Leader of the Band.Paano niya kaya napagsasabay yun 'no?
Kaya nga extraordinary siya eh.
Nauuna akong maglakad sa kanya.
"Championship na ng Governor's Cup namin sa basketball, wala ka pa bang balak pumunta dun?" Singit niya sa pagmumuni ko.
Hindi ko nga siya sinagot.
Actually ayoko lang talagang sagutin siya.
"Hindi mo tuloy nakikita kung gaano ako kagaling."
Nagmake-face ako habang ginagaya ang mga salita niya. Siyempre walang tunog.
Pero sumagot na lang ako, "Marami ka naman ng fans na nagchi-cheer sayo dun, hindi mo na ako kailangan dun."
"Bakit sinabi ko bang pumunta ka dun para makisali sa mga fans ko? At you mean gusto mong maging tulad nila?""Excuse me?"
"Hindi ba pwedeng kaya kita pinapapunta dun ay para may mag-abot ng twalya sakin?"
"Pwede namang girlfriend mo na lang ang mag-abot sayo diba?"
"Ano?"
"Ah, wala ka nga palang girlfriend. Bakit nga ba wala pa?" Tumigil ako at hinarap siya.
"Iniiba mo na ang usapan natin."
"Tinatakasan mo ang tanong ko."
"Pwede ba, maglakad ka na nga." Naglakad na siya at inunahan na ako.
Napangisi ako. Then, tawa. Then halakhak.
"Manahimik ka nga!" Singhal niya
"Akward?"
"Shut up!"
"Yung totoo Jared, wala ka pang dine-date!"
Biglang tumigil siya sa paglalakad. "Wala pa akong sinasagot sa mga manliligaw kong girls eh. Saka alam mo namang mawawalan ako ng fans pag nagka-girlfriend ako. At 'pag nawalan ako ng fans mawawalan ako ng supporters."
Napa-nguso ako. "Inamin din. Nai-insecure mawalan ng fans. Mayabang."
"Anong sabi mo?"
"Wala! Oh, ayan nang bag mo! Dun ka na! Magkaibang way na tayo!"
"Baliw ka ba?" Hindi niya kinuha ang inaabot kong bag niya. "Ihahatid mo ako hanggang sa bahay namin. Tingnan mo nga, ang dami kong dala-dala."
"Baliw ka rin ba? Babae ako, ako ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo?! Hindi ba't baligtad?"
"Ganyan naman na ang mundo ngayon eh. Babae na nga ang nanliligaw 'no?"
"Excuse me, iba ako sa kanila." Itinapon ko nga sa malapit na basurahan ang bag niya. "Ayaw mong kunin ah. Ayan sayo!"
"Hoy gamit ko!"
Binelatan ko siya.
"Kuhanin mo yun!"
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...