=Moving Closer=

520 4 0
                                    

-Arrianne's POV-

I looked at the picture again.

And again.

And again.

Again.

''Aaaahhh.'' I threw my tablet.

Nakakainis.

Alam ko na. This is all Clifford's doing.

I'm very much sure of that.

Bakit?

Kasi, siya lang ang alam kong makakagawa nito.

He and his desperate plans to trap his first love.

Bakit ba siya gumagawa ng hakbang na pati ako involved?

How?

Well, to tell you the truth, involved at affected ako as long as Jared is involved.

This time story ko naman ang malalaman niyo.

The reason why in the first place, I appeared in this story.

I'm such sort of kontrabida.

Because I like Jared the first time I set my eyes and ears on him.

Sort of lang kasi hindi ko naman alam kung may something ba sa relasyon nila ni Samantha aside from being his slave before.

Dahil yun ang pagkakakilala ko sa kanilang dalawa.

At ang dahilan kaya nakipag-close ako kay Samantha ay dahil palagi siyang sinusundan ni Jared.

Now, my plans are being tormented dahil may unexpected thing na nanggulo.

This bastard Clifford here, hmp.

Nasisira ang plano ko.

Paano kung totoo ang balitang yun? O kaya, magkakatotoo nga.

How about my plans?

How about me?

Hindi ako papayag.

Kailangang mabigyan ng leksyon ang paki-alamerong yun.

I got my purse at inutusan ko na ang driver ko na dalhin ako sa bahay ng pakialamerong Clifford na yun.

Actually, Clifford is a son of a family friend.

Kababata ko siya including Daphnae.

Since bata pa lang kami, kilalang-kilala ko na si Clifford--ang geek na Clifford noon and his transformation, alam ko yun. Though, never ko siyang naging classmate sa elementary at college.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila Clifford, agad na akong pumasok. Hindi ko na tinapos ang pagbati ng guard nila.

Tuloy-tuloy ako sa living room nila, and I guess, nasa kwarto niya ang kumag na iyon.

''Where's Clifford?'' Tanong ko sa isang katulong nila.

''Nasa kwarto po niya, Ma'am.''

Yun lang at walang katok na pumasok ako sa loob ng kwarto niya.

Parang expected na niyang darating ako dahil hindi man lang siya nagulat.

Nakaupo lang siya sa harap ng study table niya kaharap ang laptop niya.

''Bastard.'' Sabi ko.

''Long time no visit.'' Sagot niya na hindi man lang lumingon. ''It's been a long time since you came here at inaway mo ako. Now what? Let me guess, aawayin mo na naman ulit ako.''

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon