-Sam’s POV-
“Hi!” nagulat ako nang may biglang umabrisete sa kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad
“Hi!” ngumiti naman din ako sa kanya. Pilit.
Hulaan mo. Siya lang naman si Ms Agaw Eksena doon sa library.
Teka nga, anong meron?
May topak ba talaga ‘tong babaeng ‘to.
Tinatalbugan ang katopakan ko ah.
“Sorry last time,ah.”
Ah, marunong naman pala magtagalog,eh. “Ha?” ano daw? Nagso-sorry siya??
“Sorry. Please accept my apology.” Inulit pa niya
“Kanino ka humihingi ng sorry? Sa akin?” tinuro ko pa ang sarili ko. Hindi lang kasi kapani-paniwala.
“Oo. May mali bas a sinabi ko?” biglang nalungkot ang mukha niya.
“Wala. Wala. Hehe. Nakakagulat ka lang kasi.”
“Is my aplogy accepted? Kasi kung hindi, I won’t give up to get your forgiveness. I would even make a public apology.”
“Ha?” this girl is really topak. Sinong matinong tao ba ang gusting mag-public apology. Di ba parang sinasabi mo na sa buong mundo ang kapalpakan mo nun? At sinong matinong tao rin ang gusting mabigyan ng public apology.
Kung ako, ayoko nga! Mas gusto ko ang tahimik na buhay ‘no!
Yung iba siguro gusto nila because of the word pride, diba?
“No need. Hehe. Hindi na talaga kailangan.”
“So, pinapatawad mo na ako?”
“Oo naman. Wala lang yun sa akin.”
“Then, were now friends.” Niyakap pa niya ako ng pagkahigpit-higpit.
Actually, talagang dinaig pa ako nito sa katopakan. Really!!
“Friends?”
“Yeah. Diba, everyday people meet new people and make new friends? But you know, I’m not one of those. Bihira lang akong magkaroon ng kaibigan. And you’re lucky because you are chosen to be my firend.”
“Ha?” hindi ko pa rin talaga ma-gets. Basta ang pagkaintindi ko lang she sounds mayabang, you know.
“It’s not the usual thing for me doing this, FYI. But I like you to be my friend.”
Nakarating na kami sa room namin. And guess what. Siyempre, nganga ang mga classmate naming.
Tama nga siguro itong Topak no. 2 na ‘to na hindi niya ugali ang makipagkaibigan.
Oh? Anong nasabi ko? So naintindihan kop ala ang sinabi niya? >.<
Ngingiti-ngiti pa siya nang pumasok kami sa loob, and FYI(nahahawa na ako sa kanya) nakakapit pa rin siya sa akin. Nakasunod pa ang mga mata ng mga classmates namin sa kung saan kami pumunta.
“Since were friends now, let’s sit together.”
“Aaaa..” umiling ako pero pinaupo na niya ako sa tabihan niya.
Teka nga, isip isip.
Imposible kasing wala siyang katabi dito,eh.
Sino na nga ba?
Sino?
Pilitin mong isipin Samantha.
May tumapik sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...