-Jared's POV-
''Hi granma.'' Nagmano ako sa lola ko.
Although may katandaan na ang lola ko, malakas pa rin siya. At makikita pa rin ang kagandahan niya.
Well, lahi lang talaga namin ang mga magaganda't gwapo.
Malakas pa rin ang lola kong pagalitan ako.
Pinalo niya ako ng tsinelas niyang pambahay sa puwit.
''Ouch.''
''Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayong wag na wag mong itatapak yang marumi mong sapatos sa carpet, ha? Hindi mo alam kung gaano kahirap maglinis dahil hindi ka naman naglilinis.''
''Lola naman.''
Well, may punto nga naman siya kasi siya ang tagalinis ng bahay.
Isa lang kasi ang katulong namin sa malaking bahay namin.
Si mommy puro trabaho kaya si lola lang ang katuwang ng katulong namin sa paglilinis.
Hindi naman namin kinakawawa ang katulong namin para gawin niya lahat ng gawaimg bahay.
Sadyang masipag lang din kasi ang lola ko.
''Kelan ba ako nagkulang ng paalala sayo ah?''
Napanguso ako sabay salampak sa sofa.
''Tingnan mo oh. I said, remove that shoes.''
''Opo. Opo.'' Well, hindi ko naman talaga ugaling magtanggal ng sapatos sa pintuan.
Ipinapasok ko pa nga hanggang sa kwarto eh. Natyempuhan lang ako ni lola ngayon.
Bakit kasi gising pa siya?
''Oh you're home.''
Pati si mommy gising pa?
Usually sa umaga na lang kami nagkakausap eh.
Ano bang meron?
Masyado ata akong maagang umuwi ngayon.
O baka naman, advance tong relo ko?
Inilipat ko sa hbo ang channel ng TV.
''Jared, prepare yourself tomorrow night.'' Si mommy.
''Ha?''
''We'll just meet a close family friend.''
''Galing kasi sa States ang amiga kong si Violeta. I miss her so much. She wanted to see me too, kaya we decided to have dinner together with our families. Maganda yun at nang makakilala ka naman ng bagong kaibigan.'' Si lola
Sigh.
Sigh.
''What if busy ako bukas?''
''Cancel all your appointments.'' Nakakatakot na mungkahi ni mommy.
''Jared, isang beses lang akong hihiram ng oras mo, hindi mo pa ako mapagbibigyan?''
Si lola talaga, alam na alam kung paano ako konsensyahin.
''Okay okay. Now can I watch?''
''Just finish that movie and sleep okay.'' Paalala ni mommy.
''Opo.''
''Thanks honey.'' Si lola at hinalikan ako sa noo saka umakyat na sa taas.
Haaayyy, sabi ko na nga ba merong something eh.
Prepare yourself for the boring dinner tomorro Jared.
--
--
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...