=Let the Battle Begin :)=

607 2 1
                                    

-Sam's POV-

"Ang lakas din ng loob niyang lumaban sa idol natin 'no?"

"Tama friend. Ni hindi nga niya alam ang pinasok niya."

"Yeah, yeah. What the nerve!! Akala niya siguro may ibabatbat siya kay Mr. Idol."

Tingnan mo nga naman oh. Kakasimula pa lang ng pangangampanya, may naririnig na agad akong pangungutya. At nakaka-inis pakinggan ang mga yan.

Mag-chichismisan na nga lang sila, ipaparinig pa ng bonggang-bongga sa taong sangkot.

Well, nagpaparinig na sila.

At ako? You think,  I would just allow this to pass?

FYI, ako si Samantha Marie Sandoval, tinaguriang matapang, mataray at may pagkabaliw na matalinong estudyante sa Business Administration Department. HIndi sa pagmamayabang yun ah, pero that's the truth. HIndi nga lang halata, pero marami na rin akong sinalihang quiz bee mula 1st Year.

Hindi lang kasi ako active sa politics kahit na palagi nila akong pinipilit na sumali.

Ngayon lang talaga.

Not because of my big mouth.

At hindi lang basta-basta ang tinatakbo ko, Governor pa.

Kung kailan 4th Year na ako, hindi pa ako nakawala.

Kainis!! Hmp!!

Pero hindi ko palalagpasin ang mga bruhang itong pag-usapan ako sa likuran ko!!

Mga kutong lupang walang ibang alam gawin kundi mag-chismisan!!

"Hey!" bago pa ako makalapit sa kanila, naunahan na ako ni Arrianne. "Who do you think you are?" Mataray na tanong niya. "May mga alam ba kayo sa mga pinagsasasabi niyo? Try to run as governor at kalabanin niyo si Sam. Sa palagay niyo ba may laban kayo? Huh?"

Nag-antay muna si Arrianne ng sagot nila, tapos tumawa sarcastically.

"So, wala diba? The nerve?! Eat your words!! Frogs!!" tapos tumalikod na si Arrianne sa kanila.

Natawa ako sa loob ko.

That's Arrianne. Wala talagang kawala ang mga kakalaban sa kanya.

Well, ititikom ko na lang muna ang bibig ko. Hindi ko na dadagdagan ang mga sinabi ni Arrianne. So kawawa na kasi ang mga mukha ng mga palakang yun. Hmp.

Itinuloy ko na lang nag pagpunta ko sa SG Office to meet the present officers. May meeting kasi, at gusto din nilang magkakilala kami at ng ibang mga tatakbo formally.

"Friend!" tinig iyon ni Arrianne tapos bigla niya akong niyakap yakap.

"Anong meron?"

"Wala lang. Gusto kp lang yakapin ka. God bless girl. You can win."

"Yeah, I should win."

"Sabi ko, 'you can'. HIndi 'you should'."

"Ah basta."

"Trust yourself."

"Sige, may meeting pa kami.

Parang gulat na gulat siya nang lumingon sa likuran ko.

Tiningnan ko nga at nakita ko doon si Crush ko ay este Best Enemy ko pala, nakasandal sa pader crossed hands, na parang may inaantay.

Teka, how could she be so shocked? At sa taong ito pa?

"H-hi" kumaway siya kay Jared.

"Aren't you coming in?"

"Me?" tanong ni Arrianne. "Bakit ako papasok diyan?" teka, it sounded like kilig. HIndi nga?

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon