-Sam’s POV-
“Grabe, akala ko hindi ko na matatapos ang assignment ko. ‘buti nalang natapos din.” Sigh.
Gabi na pala.
Lumabas na ako ng library.
Bago ako lumabas ng gate, pumunta muna ako sa CR. Siyempre, kailangan ko ring mag-ayos.
Feeling ko nga, nag-ooily na ang mukha ko, eh. Pwedeng-pwede ng pangprito.
“Ayan! Nakapag-ayos na din.”
My head is saying no
But my heart, it’s giving in
Tumuntunog ang cellphone ko.
So hard to let it go
When it’s there onto my skin
Teka, nasa’n na ba yun? Ayun!“Hello? Bessy?”
“Hello best friend!” si Keith.
“Bakit napatawag ka?”
“Ang sama naman nito. Masama bang tumawag ng walang dahilan? Namimiss lang kita.”
“Oy, wala akong sinabing masama, ah. Ang sabihin mo, iingi tin mo na naman ako sa nangyari sayo dyan.”
“Oy, wala rin po akong sinabing ganun, FYI.”
“Hmp. Ganun na rin yun.”
“So, ganun na rin yung sayo.”
“Haayy, ang gulo mo. So anong problema mo? Imposibleng walang dahilan ang pagtawag mo?” naglakad na ako palabas ng CR
“Wala talaga.”
“Wag mo na nga akong tawagan kung ganyan din lang ang sasabihin mo.”
“Ang mean mo bestfriend.”
Nagulat ako ng biglang may umagaw ng cellphone ko sa akin.
“A-an—“may tumakip sa ilong at bibig ko tapos pilit akong isisnakay sa isang van.
Siyempre kumakawala ako.
Pero ang lalakas nila.
Oo, napakarami nila at hindi sila kaya ng powers ko.
Anybody there?
Anybody there?
Tulungan niyo po ako.
Nagsisisi tuloy ako dahil wala manlang akong kaalam-alam sa self-defense. Sana nag-aral na lang ako dati.
Pero may konting alam din pala ako, kasi kapag nag-aaway kami ng kuya ko, binabato ko siya ng kung anong pwedeng ibato.
Pero, FYI kuya ko kaya yun. At itong sitwasyon na ito, totohanan na ito.
Oooppssss.
What?
As in, totohanan?
Reality in English?
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...