-Sam’s POV-
“I tell you, you must not miss this once in a lifetime opportunity, Samy. You will learn something really great from this k-pop performance. You will really enjoy this.” Si Clifford
Actually, kanina pa siya bumibida. Ang dami niyang kinukwento hanggang sa makarating na kami sa k-pop performance na gusting-gusto niyang panoorin. Nag-iimbita siyang manood pero obvious na ako lang ang inimbita niya. Medyo naiingayan na ako sa kanya pero ang cute niya kahit maingay at madaldal siya. He also sounds boastful pero mukhang bagay lang sa kanya. Haha.
“Hey, you’re the only one who likes k-pop you know!” kutya sa kanya ni Arrianne.
“It’s just one of my likes, how many times I tell you.”
At nakakatuwa ang dalawang ito kapag nagbabangayan sila.
“But that thing really stinks! Eewww!! Don’t ever say that again!!”
“Why? Gusto mo rin naman ng theatrical music di ba? At eeewww din sa akin yun.” Asar naman ni Clifford.
“Hah, it’s better to love that kind of music than liking your, hmp, whatever songs.”
“But I know, pupunta ka pa rin Samy. It doesn’t matter kung hindi pupunta si Arrianne. Anyway ikaw naman ang iniimbita ko.”
Inirapan lang ni Arrianne si Clifford.
Parang, magandang pagtambalin ang dalawang ito, ah.
“Right, Samy?”
“Ah, yeah. Pero mas okay sana kung kasama rin si Arrianne, and Daphnae.”
Nakatuon lang ang paningin ko kay Clifford at katabi ko siya. Nasa harapan ko naman si Arrianne.
“Here’s the juice.” Bumalik na si Cairen galing sa pagkuha ng juice. Kaibigan siya ni Clifford.
“Thanks.” Kumuha si Clifford ng isang juice at ibinigay sa akin.
Sumimsim naman ako ng juice.
Tapos bigla akong nagulat nang may nagpatong ng malaking bag sa harapan ko.
Mabuti na lang hawak-hawak ko ang juice ko, kung hindi for sure, nabasa na ako ngayon.
Pero mas nakaka-init ng ulo kung sino mang nagpatong nitong pangit na bag na ‘to sa harapan ko. Ang sarap yupiin at ipagkasya sa lata ng sardinas ang kutong lupang gumawa nito.
“Dalhin mo ‘yan at sumunod ka sa akin.” Narinig ko ang boses na sabik na sabik kong marinig.
And what..?
Siya na naman ba???!!
Oh my!!
Gusting-gusto ko ngang marinig ang boses niya, pero heto na naman siya at ipinahiya ako sa harapan ng mga bago kong kaibigan..??!!
Oh, for goodness sake!! Ni hindi ako nagkaroon ng maraming kaibigan noon pa man dahil sa pinaggagagawa ng walang hiyang ito. At heto na naman siya!!
Inangat ko ang ulo ko para tingnan ang reaction ng mga kasama ko.
Nagulat din sila.
Pero hindi yung simpleng gulat ah.
As in, gulat na gulat.
Alam mo yung pinaka-extent ng gulat. Yun ang pinapakita ng mga mukha nila.
Tapos, biglang tumayo si Clifford at kukunin na sana ang bag sa harapan ko, mabuti nalang napigilan ko siya.
Pero mapilit siya.
“Wala siyang karapatang ganituhin ka, you know. Dapat siyang bigyan ng leksyon.”
BINABASA MO ANG
My Crush slash Best Enemy
RomanceNasubukan mo na bang ma-inlove..? Teka, rephrase, rephrase. Para mas madali, Na-inlove ka na ba..? Nakaramdam ka na ba nung excitement at tuwa na gustong-gusto mo siya laging makita at makasama? Yung gusto mo, nasa perimeter ka lang ng mata niya...