=The Secret=

723 5 0
                                    

-Jared’s POV-

Maybe guys, you’re still wondering what’s the reason kaya pinipigilan ko ang namumuong feelings ko kay Samantha.

Alam ko, gusto niyong malaman ang secret na big trouble sa pamilya namin.

Kung noon, natatakot akong gunitain iyon dahil sa natatakot din akong bumalik muli ang galit ko sa pamilya ng babaeng iyon at sa lolo ko, ngayon, kakayanin ko na. I prepared for this a lot.

Oo, family problem iyon.

At ngayon, para hindi kayo masyadong nabibitin at naaasar dahil napaka-suspense nitong storya ko, kumukuha na ako ng sapat na courage para ikwento lahat sa inyo.

*Author’s Note: Now playing Secret by One Republic. Kindly click on the right side. Keep reading.. J*

I need another story

Something to get off my chest

My life gets kinda boring

Need something that I can confess

'Til all my sleeves are stained red

From all the truth that I've said

Come by it honestly I swear

Thought you saw me wink, no

I've been on the brink, so

Tell me what you want to hear

Something that were like those years

I'm sick of all the insincere

So I'm gonna give all my secrets away

This time

Don't need another perfect line

Don't care if critics ever jump in line

I'm gonna give all my secrets away

(FLASHBACK):

-12-year old Jared’s POV-

Kakatapos ko lang nakipaglaro ng basketball at pagod na pagod ako.

Pauwi na ako sa bahay namin habang nagba-bike.

“Psssssst.” Nilongon ko yung sumisitsit sa akin.

Nagulat pa ako kasi si Sam pala iyon, nagba-bike din na parang hinahabol ako.

“Race tayo!!” sabi pa niya saka pumidal ng matulin.

Yeah, kung iniisip mong close kami, tama ka. Kasi close talaga kami.

Magkalayo ang bahay namin pero magkaklase kami sa elementary hanggang sa pag-graduate namin. Lately lang, nalaman din naming pareho kaming excempted sa entrance exam na papasukan namin sa highschool.

At siyempre masaya ako doon.

Sino ba namang hindi sasaya diba?

Ang crush kong kaibigan ko ay classmate ko pa rin hanggang sa highschool. Pwedeng-pwede pa kaming magsabay pagpasok at pag-uwi.

“Hoy!! Akala mo papatalo ako sayo, ah!!”

“Eh di bilisan mo! Puro ka satsat!!”

“Talagang hinahamon ako nito,ah.”binilisan ko nga ang pagpidal hanggang sa nalagpasan ko na siya.

“Hoy!! Unggoy!! Antayin mo ako!!” napakalayo ko na pala sa kanya. Halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya.

Teka. Di ba, may asthma siya? At kapag napagod siya ng sobra, lagot na, baka kung ano na naman ang mangyari sa taong yun.

My Crush slash Best EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon