Clarizette Marie's
"Aalis ka na?" Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko ang maaligasgas na tinig na iyon. Pasimpleng naikuyom ko ang mga kamay ko habang itinutuloy ang pagsusuot ko ng saplot na siya ring hinubad niya mula sa akin kagabi.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko siyang yumakap sa akin mula sa likod at sinimulang halik-halikan ako sa leeg. "Please stay, baby"
Huminga ako ng malalim at pilit na itinulak siya papalayo sa akin bago pa ako muling mawala sa wisyo at bumigay na naman sa kanya. "I can't. Baka hinahanap na ako ni Tatay. Ang alam niya kasi ay kahapon pa ang dating ko tapos bigla mo naman akong dinagit sa airport at inuwi dito sa condo mo. Alam mong bawal mag-alala yun dahil bawal sa kanya ang stress"
Bumuntong hininga siya at kakamot-kamot sa ulong bumalik sa kama at naupo. Nang lingunin ko siya ay lihim akong napangiti nang makitang nakapikit siya at nakanguso pa. Siguradong kulang pa ang tulog niya.
"Matulog ka na ulit. Kaya kong umuwi mag-isa. Saka please, magtabon ka ng kumot at agang-aga ay nagkakasala ako" umungol lang siya at parang batang nagta-tantrums na kumamot sa ulo niya bago nagmulat ng mata at nagpaaawang tumingin sa akin. Mas hinabaan pa niya ang nguso niya kaya napailing na lang ako.
Paano kaya siya nagtuturo sa mga bata sa pre-school kung ganito ang ugali niya?
"Umayos ka nga. Para kang bata" saway ko sa kanya at muling tinalikuran na siya. Kailangan ko ng magmadali dahil may naghihintay pa sa akin sa bahay.
Lalo siyang ngumuso at inextend ang kamay niya na parang inaabot ako kaya napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya. Mahinang napasinghap ako nung bigla niya akong hinigit at inupo sa kandungan niya.
Hinampas ko siya sa balikat pero tumawa lang siya at pabagsak na humiga sa kama kaya napaibabaw ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw siya at sa isang iglap ay nakubabawan na niya ako. Pinanlakihan ko siya ng mata pero nginisihan lang niya ako. "Hoy! Lintik na 'to! Kailangan ko na ngang umalis!"
"Stay still. Don't you miss me?" Nagsisimula na naman siya sa paghalik sa leeg ko kaya pilit akong nagpupumiglas.
"Hans naman eh! Kailangan ko na ngang umuwi!" Ngunit sa halip na pakawalan ako at nginisihan lang niya ako at mahigpit na hinawakan ang dalawang wrist ko at ipininid niya ang mga iyon sa ulunan ko. "Hoy! Wag kang makulit. I need to go!"
Natigilan ako nang bahagyang umuklo siya at pinatakan ako ng halik sa labi. Kakaiba ang halik na iyon dahil alam kong walang lust na kasama hindi kagaya ng palagi niyang ginagawa sa akin. "I missed you, Clariz"
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at ang init ng magkabilang pisngi ko. Umalis siya sa ibabaw ko at saka mahigpit na niyakap ako. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at ramdam ko rin ang pagpapa-ulan niya ng mabibining halik doon. Nanatiling nakatitig naman ako sa kisame habang nag-iisip.
Sabi ko noon sa sarili ko, hinding-hindi na ako muli pang magpapabilog ng ulo sa isang Honesto Andres Samonte. God, Clarizette! It's been five years! Dapat wala ka ng nararamdaman di'ba? Dapat wala ka ng pakialam?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at humarap sa kanya. Dahan-dahang lumayo ako sa kanya para makita ko ang mukha niya. Nakapikit na siya at mukhang muli ay natutulog na. Kahit nanginginig ang kamay ay iniangat ko iyon at hinaplos ko ang makinis niyang pisngi.
May pag-asa ba tayo pag inamin ko sayo ang totoo?
At mapapatawad mo ba ako kung malalaman ang katotohanang limang taon kong itinago at ipinagkait sayo?
![](https://img.wattpad.com/cover/307968215-288-k169087.jpg)
BINABASA MO ANG
More Than Words
General FictionEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...