Chapter 23

54 5 0
                                        

Clarizette Marie's

"How was your final exam?" tanong ko kay Isla pagkapasok ko ng kwarto. Kakarating ko lang galing sa studio ko at talagang pagod na pagod ang katawan at isip ko. Dumadami na kasi ang mga nag-eenroll sa workshop. Marami talagang nangangarap na pasukin ang mundo ng pag-aartista.

"Okay naman po. Tinulungan po ako ni Papa magreview" hindi nakatinging sagot ni Isla dahil busy siya sa phone niya. Sa kasalukuyan ay naka online schooling si Isla dahil nga narito kami sa probinsya. Ayaw naman ni Hans na itransfer ng school ang bata kaya siya na ang pinag-asikaso ko ng tungkol sa pag-aaral nito.

Bahagyang napataas ang kilay ko dahil sa narinig. Hindi ko na kasi natuturuan si Isla dahil busy ako sa studio, sa grocery ko at sa pag-aalaga kay Arielle.  Kailangan kong maging busy para di ako makaramdam ng lungkot.

Malamang ay dumalaw ulit dito si Hans habang wala ako. Sa loob kasi ng dalawang buwang pamamalagi namin dito ay every week ding dumadalaw si Hans sa mga bata. Hindi naman kami nagpapang-abot dahil kung wala akong klase ay nasa grocery naman ako.

"Mama, birthday ni Papa bukas" napalingon ako kay Isla nang muling nagsalita siya. "Hindi po ba tayo uuwi sa atin?"

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa bata. "Call him. Magpasundo kayo ni Arielle. May klase ako bukas sa studio"

Hindi na muli pang sumagot si Isla. Nang muli kong nilingon ito ay nakita kong nakanguso siya at malungkot na malungkot ang mukha niya. Napailing na lang ako at tumuloy na sa banyo para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako sa kwarto ni Caren para kunin si Arielle. Pag kasi walang trabaho ang kapatid ko ay siya ang nag-aalaga sa mga bata. Minsan naman ay si Clinton o kung minsan ay ang mga pamangkin kong dalaga na. Perks ng pagkakaroon ng maraming pamangkin. Di ako namomroblema sa tagapag-alaga sa mga anak ko.

"Hello baby ko. Namiss ko po ikaw" bungad ko habang kinukuha ang bata mula crib niya. Humagikhik naman ito at ang maliliit na kamay ay kaagad na pumulupot sa leeg ko. Natatawang pinupog ko ng halik ang mamula-mula niyang pisngi. Buti na lang talaga at kahit nakuha ng bata ang pagiging mestizo ni Hans ay halos lahat ng features nito ay galing sa'kin. Mukhang this time ay natalo ko ang dugo ni Hans. Masyado niya kasing ginilasan nung kay Isla kaya kamukhang-kamukha niya ang panganay namin.

"Ate, pahingi akong donut ha" napakunot ang noo ko nang magsalita si Caren. Takang tiningnan ko naman siya.

"Nasan ang donut? Wala naman akong binili"

"Tsk. Yung nasa ref! Para sayo daw yun sabi ni Kuya Hans nung bumisita siya kahapon. Ang galante nga e. May pasalubong siya palagi sa buong compound pag dumadalaw dito" napataas ang kilay ko. Sa tagal nang nagpapabalik-balik ni Hans dito ay ngayon lang nagkwento si Caren ng tungkol sa kanya.

Napaiwas ako ng tingin sa kapatid ko. Hindi nila alam ang sitwasyon namin ni Hans ngayon dahil kagaya ng nakasanayan ko ay hindi ako nagkwento sa kanila. Mula noon hanggang ngayon ay mag-isa ko lang nilulusutan ang nga problema ko.

"Ang swerte mo sa asawa mo, Ate. Ang bait-bait at mahal na mahal ka" muli pang komento ni Caren pero hindi na ako nagsalita. Para makaiwas ay lumabas na ako sa kwarto niya habang buhat-buhat si Arielle. Bumalik ako sa kwarto at doon na lang tumambay sa veranda.

Habang nakatingin sa kalangitang punong-puno ng bituwin ay marahang sinasayaw-sayaw ko si Arielle para patulugin pero as usual, ang bata ay parang lumaklak ng enery drink dahil ang likot likot pa rin kahit gabi na.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang boses ni Isla mula sa loob. "Papa!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ganitong oras talaga tumatawag si Hans sa mga bata. "Hello, my love. How are you?"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon