Chapter 7

60 4 0
                                        

Clarizette Marie's

Nagising ako dahil mga mumunting halik na dumadampi sa balikat, leeg at pisngi ko at pasimpleng paghaplos sa dibdib ko. Unti-unting iminulat ko ang mga mata ko at nabungaran ko ang gwapong mukha ni Hans na nakangisi sa akin kaya napairap na lang ako sabay pulupot ng mga braso ko sa leeg niya.

"Good Morning, Miss" swabeng bati niya sabay angkin ng mga labi ko kaya natawa ako at ginantihan ang halik at ang mga haplos niya.

Malikot ang mga kamay niyang nagbibigay init sa katawan ko pero wala akong pakialam. Nakakapaso at nakakaadik. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung paano kami nagsimula sa ganito pero palagi na lang naming natatagpuan ang isa't-isa sa mahika ng isa't-isa.

We're not in a relationship. Hindi namin pinag-uusapan ang kung anong mayroon kami as long as masaya kami. Alam kong mali pero ang hirap pigilan or more on, ayaw naming tigilan.

We're both consenting adults. Alam namin ang ginagawa namin at masaya kami. Ayaw namin ng complications kaya okay na kami sa ganito. Walang pressure, walang responsibilities. We can do whatever we want nang hindi inaalala ang isa't-isa pero at the end of the day, itinuturing pa rin naming pahinga ang isa't-isa.

Narito kami ngayon sa resthouse na pagmamay-ari ng pamilya nila na nandito lang din sa Batangas. Katatapos lang ng finals namin pareho kaya naisipan naming magbakasyon dito.

Pero syempre, takas lang ako sa'min. Outing lang ang pinagpaalam ko kay Kuya kasama ng mga kaklase ko kaya pumayag siya. Sigurado kasing papatayin niya ako pag nalaman niyang lalaki ang kasama ko dito.

Ang hirap kasing tanggihan ni Hans. Isa pa, halos isang buwan din kaming hindi nagkita kaya namiss ko rin ang kakulitan niya.

"Anong oras tayo uuwi?" hinihingal na tanong ko pagkatapos kong putulin ang halik.

Ngumuso siya sabay siksik ng mukha sa leeg ko. "Ayaw mo na akong kasama?"

Natatawang napailing ako at saka hinaplos ang buhok niya. Ang cute niya talaga pag nagpapababy. Parang hindi gagawa ng katarantaduhan. "Baliw. Magtataka si Kuya pag naging dalawang gabi akong nawala sa bahay. Outing lang ang paalam ko sa kanya. Baka sugurin na nun ang mga kaklase ko. Lalo akong papatayin nun pag nalaman niyang nagsisinungaling ako"

"E kasi hindi ka pumayag na ipagpaalam kita. Madadaan naman siguro sa maayos na pakiusapan si Kuya" kilala siya sa amin dahil makapal ang mukha niyang kusang pumunta doon at magpakilala kina tatay. Minsan, nagigising na lang akong nasa bahay na siya at kachikahan na ang mga magulang ko. Minsan, tumutulong pa siya kina tatay sa paghaharvest ng mga pananim at kung minsan ay pinapakyaw pa niya ang mga ani namin. Kailangan daw kasi nila ng mga gulay pag may mga feeding program ang mommy niya.

"Kung si tatay, nauuto mo, ibahin mo ang kuya ko. Kaya ka noong paanurin sa ilog pag nagalit yun sayo" Bihira niya lang kasing nakikita ang kuya ko dahil busy ito sa trabaho. May pamilya na rin kasi si Kuya kaya doble kayod siya. Sobrang thankful ko nga dahil kahit na ganun ay hindi pa rin niya ako pinababayaan. Isang taon na lang naman. Gagraduate na ako sa college tapos balak kong mangibang bansa kaagad. Bahala na. Basta babawi ako kay kuya.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon