Chapter 3

87 3 0
                                        

Clarizette Marie's

"Nice song" nahinto ako mula sa paghithit ng sigarilyong hawak ko nang may magsalita mula sa likuran ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay napaismid na lang ako nang makita ko si Trevor.

Trevor was my classmate way back in college. Siya yung isa sa mga inakukuluan ko ng dugo noon dahil sobrang tigas ng ulo niya. Ako kasi ang palaging ginagawang chairman/president ng klase namin so itinatak ko na talaga sa isipan ko na responsibility ko sila habang nasa paaralan kami and kagaya ng mga nakaugaliang grupo, hindi talaga nawawalan ng isang pasaway at mahirap pasunurin at siya yun.

After graduation, nagkanya-kanya na kaming magkakaklase at wala na rin akong balita sa kaniya not until few weeks ago. Nakita ko ulit siya sa isang party na inattendan namin ni Andrea and it turns out na isa na pala siya ngayong vocalist ng sikat na banda sa Pilipinas. Saktong relative ata ng ka-bandmate niya yung friend namin ni Andeng kaya naimbitahan sila at yun nga, nagkita ulit kami.

"Pinakinggan mo?" Tanong ko sa kanya sabay muling hithit sa sigarilyo. Katatapos lang ng set ko sa bar na kinakantahan ko kaya nagpapalipas muna ako ng oras dito sa labas.

Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. "Wala akong magagawa kundi pakinggan. Nasa iisang lugar lang tayo e"

Tumaas ang sulok ng labi ko at napailing na lamang. Ito talaga ang ayaw ko sa lalaking 'to e. Masyadong pilosopo. Sabagay, kay Athena lang naman 'to tumitiklop. "Whatever. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal ba ako dito? Nabili mo na ba to?"

Naiinis na hinampas ko siya sa balikat at tumayo na ako. "You know what? Just go to hell! Ang pangit mong kausap!"

Kumislap ang kakaibang kinang sa mga mata niya kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi niya. "What? Nagtatanong lang naman ako. Masama ba yun?"

Pinanlakihan ko siya ng mata "Nonsense yung mga tanong mo!"

Nagkibit balikat siya at sa panggigilas ko ay kinuha niya mula sa kamay ko ang hawak kong sigarilyo sabay hithit."Hoy! Akin yan!"

Natawa siya at ang walanghiya, binugahan pa ako ng usok. "Nasa London na nga tayo, madamot ka pa rin"

"Kasi hindi ka kasali sa budget ko! Alam mo ba kung magkano ang isang stick ng yosi?!"

Napatango-tango siya at muling humithit "Alam mo naman palang mahal, bakit nag-aaksaya ka pa rin ng pera para dito?"

"Kasi yan yung way ko para maka cope-up sa stress" muli akong naupo sa tabi niya at kumuha ng isa pang stick ng yosi at lighter sa bulsa ko.

Napakurap-kurap na lang ako nung muli niyang inagaw sakin ang sigarilyo kahit hindi ko pa nasisindihan. "Nakakasira ng boses 'to. Gusto mo bang magkalat mamaya sa stage? Saka masama 'to sa kalusugan"

Sinimangutan ko siya. "Tatay ba kita?"

Nagkibit balikat siya. "Concerned citizen lang"

"I don't need your concern. Saka hindi naman ako araw-araw gumagamit niyan e. Minsan lang pag talagang magulo na ang isip ko"

Lumingon siya sa'kin "Ano bang gumugulo sa isip mo?" Curious na tanong niya kaya natigilan ako at pagkuwa'y napaiwas ng tingin.

"W-wala" tumayo ako at tinalikuran na siya. Hindi ko na siya narinig pang magsalita kaya diretsong bumalik na ako sa loob ng bar.

At dahil may ibang singer pang kumakanta ay minabuti ko na lang munang magstay sa dressing room. Naupo ako sa harap ng isang malaking salamin at napabuntong hininga na lamang nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon