Chapter 15

69 4 0
                                        

Clarizette Marie's

"Mama, kailan uuwi si Papa?" nakangusong tanong sa'kin ni Isla pagkapasok niya ng kwarto. Halos dalawang linggo na rin kasi silang hindi nagkikita na mag-ama dahil may seminar daw si Hans noong weekend.

"Ewan ko. Di'ba nakakausap mo naman siya gabi-gabi? Tanong mo sa kaniya kung kailan siya pupunta dito" simpleng sagot ko sa bata dahil busy ako sa pagpaplano ng schedule ko. Sunod-sunod kasi ang mga invitation sa'kin na mag-guest sa mga show. May offer din sa'kin na magjudge sa isang singing contest kaya ang saya-saya ko lalo. May dagdag akong income bukod pa sa kakatayo ko lang na grocery business. Nagtatry din akong magmanage ng mga gustong mag-artista at sila ang hinuhubog ko sa isang workshop center na simulan ko din noong nakaraan.

Wala na kasi talaga akong planong bumalik ng London kaya todo kayod ako dito sa Pilipinas. Kung anong pwedeng pagkakitaan ay pinapatos ko na. Nagsisimula na rin akong mag-invest sa negosyo para sigurado palagi ang pasok ng pera. Kailangan kong kumita dahil habang lumalaki si Isla ay lumalaki din ang gastos. Ayaw ko namang iasa ang lahat kay Hans lalo pa at wala naman kaming relasyon dalawa. Bahala siya sa mga ibibigay niya kay Isla at ako na din ang bahala sa mga ibibigay ko.

"E Mama hindi nga siya nagcall sa'kin kagabi" malungkot na sabi naman ni Isla kaya mapataas ang kilay ko. Himala ata yung hindi tatawag si Hans sa anak niya. Minsan nga, nakakatulugan na ni Isla na kausap niya ang tatay niya e.

"Hindi tumawag sayo? Bakit?" paglilinaw ko. Kaninang umaga lang kasi ako dumating. Kagagaling ko lang sa tatlong sunod-sunod na mall show para ipromote ang singing contest kung saan ako magiging judge.

Nagkibit balikat ang bata. "I waited for him, Mama pero hindi po talaga siya nagcall hanggang sa makasleep na ko" malungkot na sabi niya sabay takip ng unan sa ulo niya.

Napabuntong hininga ako at itinigil ang ginagawa ko. Tumayo ako mula sa working area ko at dahan-dahang naglakad papunta sa kama para daluhan ang anak kong siguradong nakakaramdam ng kaunting tampo sa ama.

Ito naman kasing si Hans. Masyadong sinanay ang bata na palagi siyang tumatawag pag hindi sila magkasama tapos ngayon, basta-basta na lang mawawala. Isa din talaga ito sa kinatatakutan ko dahil ako mismo ang nakaranas na umasa kay Hans. Nakaranas din akong maghintay kung kailan ulit siya magpaparamdam.

Dahan-dahang inalis ko ang unang nakatakip sa mukha ni Isla at halos mapunit ang puso ko nang marinig ko ang mahihinang hikbi niya. "Isla baby, bakit ka umiiyak?"

Ngunit sa halip na sagutin ako ay dumapa lang ito para mas maitago ang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako at nahiga sa tabi niya para yakapin siya. "Baka busy lang si Papa, anak. Saka di'ba, Thursday na? Malay mo bukas siya ang sumundo sayo sa school kagaya noong nakaraan"

"B-baka hindi - lang po talaga - ako love ni Papa.  Baka - matagal ko na po - ulit siyang hindi m-makikita, Mama" umiiyak na talaga siya kaya pinilit ko na siyang paharapin sa'kin para mas yakapin. Kaagad naman siyang sumiksik sa leeg ko kaya hinaplos-haplos ko ang pawis na pawis niyang likod.

"Shush, wag mong sabihin yan, anak. Love na love ka nun. Baka busy lang talaga" pampalubag loob ko sa kanya pero sa totoo lang ay ilang beses ko nang pinupugutan ng leeg si Hans sa isip ko. Anong karapatan niyang paiyakin ang anak ko? Kung alam ko lang na magkakaganito, edi sana hindi ko na lang inamin sa kaniya ang totoo.

Bata pa si Isla. Madali lang para sa kaniya ang magmahal, maniwala at maging masaya pero kalakip din noon na madali din siyang masaktan at ma-disappoint.

Panaka-naka ay humihimig ako at hinahalikan siya sa noo para payapain ang loob niya. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya dahil siguro sa kakaiyak.

Nang masigurong malalim na ang tulog ni Isla ay dahan-dahang bumangon ako sa kama at kinuha ang phone ko. Lumabas ako sa may veranda at saka kinontak ang number ni Hans. Siguradong masasaktan na naman bukas si Isla pag hindi niya nakita ang ama niya.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon