Clarizette Marie's
Flashback (College Life)
Nakatitig lang ako kina Andrea at Lynard habang sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika. Debut kasi ni Andeng ngayon at kagaya ni Athena noon -- ay hindi rin nagpahuli ang boyfriend ni Andeng sa surpresa sa kanya. I can't help but to feel envy. These girls are lucky enough to meet their match that are willing to treasure them and do everything for their happiness.
Sino ba namang babae ang hindi nangangarap ng ganun? Kahit ako na hindi masyadong priority ang pag-ibig ay gusto ko ring maranasan yun.
"So, we meet again" nawala ang atensyon ko kina Andrea at Lynard nang may maupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. We're here at the EMC's rooftop. Ang hospital na pag-mamay-ari ng pamilya ng boyfriend ni Andeng. Unfortunately kasi ay na-ospital ang father ni Andrea at dito isinugod. Syempre, hindi naman papayag si Ly na hindi maicelebrate ni Andeng ang debut niya kaya gumawa talaga siya ng paraan para maisakatuparan ito and here it is. Perfectly organized. Kami kami lang mga kaibigan nila ang nandito at pati na rin ang mga pamilya nilang pareho. How sweet, mukhang botong-boto na ang mga pamilya nila sa isa't-isa.
Nang lingunin ko ang lalaking tumabi sa'kin ay napangisi na lang ako nang makita ko ang lalaking nangulit din sa'kin noong debut ni Athena. Right, kaibigan din pala siya ng mga boyfriend ng mga kaibigan ko. Actually, kanina ko pa siya nakikita pero hindi na ako umasang mapapansin o maaalala pa niya ako.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Do you need anything?"Ngumisi siya at umakbay sa sandalan ng kinauupuan. "Yep"
"And what is it?"
"Your name" tila paos na bulong niya sa'kin. Siguradong sinadya niyang bumulong sa tainga ko dahil malakas ang tugtog sa paligid pero hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla akong kinilabutan at nagtaasan ang balahibo ko sa batok.
Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Malamig dito sa rooftop pero bakit bigla akong nainitan? Bakit din parang bumibilis ang tibok ng puso ko? Kailangan ko na bang magpacheck-up? "A- ahm .. why do you need to know my name?"
Nagkibit balikat siya. "I just want to. Bawal ba?"
"Hoy! Tangina ka, Honesto! Nambababae ka na naman, may girlfriend ka pa ah!" Hindi na ako nakasagot nang batukan siya nung Kuya ni Athena na si Jarred.
Nakangusong napakamot naman yung lalaki sa ulo niya at sinamaan ng tingin si Jarred. "Wala na akong girlfriend, master! Break na kami ni Dianne 30 minutes ago"
Instantly ay unti-unting huminto ang mabilis na tibok ng puso ko pero parang lalong nag-init ang pakiramdam ko. Tila pumitik ang inis sa kasuluk-sulukan ng pagkatao ko dahil sa narinig kong sagot niya sa kaibigan niya.
So isa rin pala siya sa mga lalaking walang ginawa kundi paglaruan lang ang mga babae? Akala ko pa naman, kagaya siya ni Miguel na gentleman at loyal kay Athena. O kaya ni Lynard na sobrang patient at understanding kay Andrea. I also met Jerick, na sobrang caring din kay Kaycee and then there's Jarred na faithful din sa girlfriend niya since high school. They are 5 in a group and I am expecting na lahat sila ay matitino sa mga babae pero bakit parang naligaw ng landas ang lalaking 'to?

BINABASA MO ANG
More Than Words
General FictionEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...