Clarizette Marie's
"Wala na talaga akong masabing excuse dito sa ex mo, Lizette! Araw-araw na lang nangulit dito e! Bakit ba ayaw mo pang magpakita?!" napahilot ako sa sintido ko nang marinig ko ang litanya ng pinsan kong si Marianne pagkasagot na pagkasagot ko pa lang ng tawag niya. Bumuntong hininga ako at maingat na bumangon sa kama bago pa magising si Isla na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"Tell him na nagbabakasyon ako sa kung saan mang panig ng Mindanao" kalmadong sagot ko sa pinsan ko. Sa loob kasi ng dalawang linggong pamamalagi ko dito sa Pilipinas ay araw-araw na kung tumawag sa akin si Marianne para ibalita na nagungulit sa kanila si Hans dahil hinahanap ako. Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan niya sa akin.
Sex? I'm sure naman na madali lang niyang makukuha yun mula sa kahit sinong babaeng magugustuhan niya. Mayaman siya, gwapo at madaling pakisamahan kaya siguradong mga babae pa ang unang lalapit sa kaniya. Bakit pa ba niya ako ginugulo?
Inaamin ko, isang malaking katangahan yung pagsama ko ulit sa kaniya noong nakaraan kaya pinagsisisihan ko yun. Ayoko ng magkaroon ng koneksyon sa kaniya dahil ayoko ng masaktan.
"Alam mo, sa tingin ko siya yung taong kahit sabihin kong nasa outer space ka, susundan at susundan ka pa rin niya. Ano bang gayuma ang ginamit mo dito pinsan? Pahingi nga ako" natatawang sabi ni Marianne kaya napailing na lang ako. Isa sya sa mga pinagkakatiwalaan kong pinsan dahil bukod sa magkaedaran lang kaming dalawa ay sabay pa kaming lumaki noong doon pa kami naninirahan sa Batangas.
"Bored lang yan kaya ganyan"
"Grabe naman palang mabored ang mayayaman. Kulang na lang magcamping sa tapat ng bahay namin. Kung hindi nga lang pangalan mo ang binabanggit malamang kikiligin na ako" sarkastikong sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Parang gusto ko na lang umuwi doon at kalbuhin si Hans tapos lunurin siya sa dagat. Hindi ko talaga alam kung anong trip niya sa buhay.
"Sabihin mo na lang na nililibot ko ang buong Pilipinas kaya hindi mo alam kung nasaang lupalop na ako ngayon"
Narinig kong napabuntong hininga din si Marianne. "Bakit ba kasi ayaw mong magpakita sa kaniya? Natatakot ka bang baka hindi niya matanggap si Isla?"
Inatake ng kaba ang dibdib ko. Walang kahit sinong nakakaalam kung sino ang tunay na ama ni Isla dahil mula noong nalaman kong buntis ako ay mariing tikom na ang bibig ko tungkol sa bagay na iyon. Sigurado kasi akong pag mas madami ang nakakaalam, mas magiging kumplikado ang lahat. Lalo pa ngayon na kilala ng buong bansa si Hans at ang buong pamilya niya kaya natatakot ako sa magiging epekto kung mabubunyag ang lihim na ito sa buhay naming pareho lalong-lalo na sa buhay ni Isla. Hindi pwedeng maging pulutan ng mga taong makikitid ang utak ang anak ko.
" .. di'ba kaya lang naman kayo nagbreak kasi nabuntis ka ng ibang lalaki sa inuman? Malay mo kaya ka niya hinahanap ngayon kasi willing na siyang tanggapin si Isla. Saka ano ka ba, uso na ngayon yung mga single mom ang hanap" tuloy pa ni Marianne kaya napakurap-kurap ako. Hanggang ngayon pala ay pinaniniwalaan pa rin nila ang kwentong ginawa-gawa ko lang noong tinanong nila kung sinong nakabuntis sa akin at kung bakit kami nagkahiwalay ni Hans. Pero mas mabuti na rin yun. Mas mabuti ng masama ang tingin sa akin ng mga kamag-anak ko, maprotektahan ko lang ang image ng pamilya ni Hans at mailayo ko lang si Isla sa mga intriga.
"B-basta wag mo na lang babanggitin si Isla sa kaniya. Sabihin mo na lang na hindi mo alam kung nasaan ako. Salamat" mabilis na pinatay ko ang tawag at ikinuyom ang mga kamay ko. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na kinalma ko ang sarili ko. Muling bumalik na naman kasi sa akin ang mga panghahamak at pangkukutya ng mga kamag-anak ko noong nalaman nilang disgrasyada ako. Sila pa mismo ang nagpakalat ng chismis na malandi ako at kung kani-kanino daw ako pumapatol kaya hindi ko alam kung sinong ama ng anak ko. Kaya iyon din ang rason kung bakit mas minabuti na lang ni tatay na lumayo kami.

BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiksi UmumEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...