Hannah Claudette's
Flashback
"Hoy, mahal na prinsesa, gising na po. Baka po gusto ninyong maglinis muna ng bahay kasi tanghali na po. Ano po?" Mumukat-mukat na bumangon ako sa kama nang marinig ko ang boses ng pinsan ko. Nakita ko siyang nakasandal sa may pinto ng kwarto habang tila ba naiinis na nakatingin sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at saka bumangon sa kama. Simula nung namatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente ay pinagpasa-pasahan na ako ng mga kapatid nila. Maging ang pag-aaral ko ay naaapektuhan na rin dahil halos tatlong beses ata akong magtransfer sa kada school year.
Mabilis na iniligpit ko ang higaan ko at saka tumuloy sa banyo para maghilamos. Sa ngayon ay naririto ako sa Tita ko sa Cavite. Tatlong taon na rin akong namamalagi dito at tatlong taon na rin nila akong ginagawang katulong.
Hindi naman ganun kalaki ang bahay nila kaya madali lang linisin. Ang nakakainis lang ay ang mga pinsan ko na mukhang sinasadya pa ata ang pagkakalat.
Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na rin ako sa kusina. Doon ay naabutan ko ang asawa ni Tita Agnes na si Tito Carding habang inaayos ang gripo sa lababo. Walang full time na trabaho si Tito Carding kaya lagi lang siyang nandito sa bahay tapos si Tita Agnes naman ay may-ari ng isang boutique sa bayan.
Sa totoo lang ay sa kanilang mag-asawa lang ako nagtagal nakitira dahil mababait naman sila compare doon sa ibang mga kamag-anak ko. Ibang usapan nga lang ang mga anak nila.
"O, kumain ka na muna diyan. Nagluto ang Tita mo bago umalis" sabi ni Tito nang makita ako kaya tumango ako at kumuha na ng plato.
Habang kumakain ako ay hindi maiwasang mangilid ng luha sa mga mata ko. Miss na miss ko na ang mga magulang ko. Gusto kong magalit kasi iniwan nila ako kaagad pero mas nangingibabaw ang pangungulila ko.
It's been 9 years pero yung sugat ay sariwa pa. Halos gabi-gabi pa rin akong umiiyak dahil tandang-tanda ko pa yung mukha ng mommy at daddy ko noong mga huling sandali na nakita ko sila.
Minsan, naiisip kong sana hindi na lang ako nagpumilit na sumali sa field trip. Sana hindi na lang ako sumunod kay Daddy nung sinabi niyang lumayo ako sa lugar na yun. Sana sabay-sabay na lang kaming namatay lahat para hindi ako naiwang mag-isa.
Noong una, nag-aagawan ang mga kamag-anak ako sa pagkupkop sa'kin dahil sa mga negosyo at ari-ariang iniwan ng mga magulang ko ngunit nung nalaman nila na tinakas lahat iyon ng dating abogado at business partner ni Daddy ay naging malamig na ang pakikitungo nila sa akin. Swerte na nga lang at pinag-aaral pa rin nila ako.
Lahat ng sumabat, pananakit, pagpapahiya ay ikinikimkim ko sa dibdib ko. Wala akong pinagsasabihan ng nararamdaman ko at hindi rin ako umiiyak sa tuwing sinasaktan nila ako. Wala lang sa'kin yung mga sabunot, tadyak at sampal ng mga Tita ko dahil mas mahapdi ang sugat na kinikimkim ko sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
More Than Words
Narrativa generaleEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...