Epilogue

161 8 1
                                        

Clarizette Marie's

"Bwisit ka talaga, Honesto! Pag nagalusan talaga ang anak ko, lalayasan ulit kita!" nanggigigil na asik ko sa asawa ko sabay hampas sa balikat niya.

Narito kami ngayon sa Race Track na binuksan niya kamakailan lang. Ewan ko ba sa gagong 'to. Sa daming inaalalang negosyo, nagawa pang magdagdag ng ganito.

Okay lang naman kaya lang, ang panganay naming anak ay nahihilig din dito. Ayan nga't sa kasalukuyan ay sakay ito ng isang motor na kanina pa umiikot-ikot dito sa field at kanina pa rin ako ninenerbyos dahil doon.

"Relax, Love. Siguradong hindi papabayaan ni Kendrix ang anak natin" natatawang sagot niya sa akin sabay akbay kaya napabuntong hininga na lang ako at muling ibinalik ang tingin sa anak ko.

Kung titingnan ay parang hindi isang 16 years old na dalagita ang nakasakay sa motor na iyon. Bukod kasi sa ang laking bulas ni Isla ay talagang gamay na gamay na niya ang ginagawa niya. Sa likod naman niya ay nakasunod si Kendrix na nakasakay sa isang kotse. Wala kasi siyang magawa kundi bantayan ang anak ko dahil mana ito sa akin sa katigasan ng ulo. Ayaw magpaawat kahit nabungangaan ko na kanina.

Wala namang karera ngayong araw na ito pero delikado pa rin kasi talaga para sa kaniya ang sumakay sa ganoong uri ng sasakyan. Isa pa, my child is a freaking minor! Dapat nasa mall lang siya at nagshoshopping!

Mabilis na nabatukan ko si Hans nang makitang medyo tumagilid ang motor na sinasakyan ni Isla. Akala ko ay sesemplang siya ngunit mabuti naman at hindi nangyari.

Pinahinto ni Kendrix si Isla bago siya bumaba sa sinasakyang sasakyan. Kunot na kunot ang noo ni Kendrix habang kausap si Isla na pangisi-ngisi lang. Mukhang nagtatalo na naman ang dalawa kaya napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sintido ko.

"Hindi ka ba nahihiya sa inaanak mo? Ginawa mong baby sitter ng panganay mo" tanong ko kay Hans kaya natawa siya.

"Aba kung alam mo lang kung paano kami pinatambay niyan sa guidance office noong bata pa yan. Kulang pa ang konsumisyon niya kay Isla sa konsumisyon namin sa kaniya noon" napailing na lang ako sa sagot niya. Lagi nilang sinasabi na sutil si Kendrix noong bata pa ito pero hindi iyon ang nakikita ko. Sa tingin ko naman ay napakabait na bata ni Ken. Tahimik lang ito at matalino pa.

"Ah basta! Ayoko nang makikitang nagpupupunta dito sa Isla ha. Ang init-init dito at hindi talaga ako komportable na nakikipagkarera siya" pinal na sabi ko habang nakahalukipkip.

Tumaas ang sulok ng labi ni Hans. "Kaya mo bang pigilan yung anak mo?"

Nakapamewang na hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Bakit ako ang magsasabi? Di'ba ikaw yung tatay?! Di'ba dapat ikaw ang pumigil?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Parang sinabi mo na ring pigilan kong bumaha kahit may super typhoon"

Lalo lang pumitik ang inis ko. "Anong klaseng tatay ka? Paano kung napahamak yang anak mo?"

Bumuntong hininga siya. "Gusto ko lang ibigay sa anak ko ang lahat ng makakapagpasaya sa kaniya. Kung isa itong bagay na 'to doon, bakit ko pipigilan kung pwede ko namang suportahan? Ayokong isipin na mapapahamak siya pero kung mangyayari man iyon, sisiguraduhin kong hindi ako aalis sa tabi niya"

Hindi na ako sumagot. Actually, simula noong nahilig si Isla sa ganitong libangan ay hindi iisang beses naming pinagtalunan ito. Alam kong masaya dito ang anak ko pero maiaalis mo ba sa isang ina ang pag-aalala?

Umakbay sa'kin si Hans at hinalikan ako sa sintido. "Wag ka nang masyadong mag-alala. Tingnan mo na lang kung gaano kasaya yung anak natin. Saka di naman ako papayag na sumali siya sa totoong karera at naiintindihan naman niya iyon"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon