Clarizette Marie's
"Bakla! I'm back!" Tili ko nang makapasok ako sa apartment na tinutuluyan namin ni Andrea dito sa London.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yabag na nagmumula sa kwarto ng kaibigan ko at ilang saglit pa nga ay nagbukas na ang pintuan niya. Mula doon ay lumabas si Andeng na gulo-gulo pa ang buhok at tanging malaking t-shirt lang ang suot.
Napangisi ako nang basta na lang siyang dumamba sa akin ng yakap. "Bakit di mo sinabing parating ka na? Sana sinundo kita sa airport"
"E okay lang yun! Gusto kitang surpresahin e. Saka may gwapong afam na naghatid sa'kin dito. Nagkabungguan kami sa airport tapos nabighani ata sa ganda ko kaya iyon, nag-offer na ihatid ako" pang-aasar ko sa kanya. Masyado kasing conservative ang babaeng 'to kaya palagi kong inaasar ng mga ganung bagay.
As expected kaagad na napangiwi si Andrea at parang nandidiring lumayo sa akin. "Please tell me na hindi kayo gumawa ng kababalaghan sa kotse"
Tuluyang natawa ako sa kanya nang maghagilap pa siya ng alcohol at kulang na lang ay ipaligo niya iyon. "Wag ka ngang maarte. Mamamatay ka talagang virgin niyan"
Napairap siya sa akin at ibinato pa ang bote ng alcohol na hawak. "Tigilan mo nga ako! Walang ibang laman talaga yang utak mo kundi kahalayan"
Nagkibit balikat ako. "Masarap naman kasi. Try mo din minsan"
"Lizette!" Inis na sigaw niya kaya lalo akong natawa. Ang sarap lang kasing pikunin ni Andrea. Siya talaga ang stress reliever ko habang narito ako e.
Kinindatan ko lang siya at kinuha na ang mga bagahe ko para ipasok sa kwarto. Pagkasara na pagkasara ko ng pinto ay tuluyang nabura ang mga ngiti ko. Bumuntong hininga ako at naupo sa gilid ng kama. Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko at hindi maiwasang mangilid ng mga luha sa mga mata ko. Sa loob kasi ng crystal na pendant na hugis puso na ito ay nakalagay ang mga DNA samples ni Isla. Yung hibla ng buhok niya, yung kaunting part pusod niya at maging yung unang nagupit na kuko niya ay narito. Palagi kong suot ang kwintas na ito dahil pakiramdam ko, kasama ko siya palagi pag suot ko 'to.
Miss na miss ko na kaagad ang anak ko.
Kamusta na kaya siya?
Noong umalis kasi ako doon ay hindi talaga siya matigil sa pag-iyak. Ang sakit-sakit para sa akin na makita siyang nasasaktan pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin 'to para rin sa kapakanan niya.
Kinuha ko ang phone ko at kaagad na binuhay. Unang tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Isla na nasa homescreen wallpaper ko. Nakalugay ang medyo may kahabaan na niyang buhok at may malaking ribbon siya sa buhok. Suot niya ang paborito niyang dilaw na bestida at ang sandals na pasalubong ko sa kaniya noong umuwi ako.
"Mana ka talaga sa'kin, anak. Ang kikay masyado" natatawang sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko at hinahaplos-haplos ko ang picture niya.
Hinalikan ko ang phone ko at saka huminga ako ng malalim. Kailangan ko nang kumayod dahil nasaid talaga ang ipon ko.
Tumayo ako sa kama at mabilis na nagbihis at nag-ayos. Pagkalabas ko sa kwarto ay naabutan ko si Andrea na nakaupo sa couch habang kumakain ng noodles. Nung nakita niya ang ayos ko ay napakunot ang noo niya.
"Pasaan ka?"
Ngumisi ako sa kanya. "Aawra. Sasama ka?"
Mabilis naman siyang napasimangot at umiling-iling. "No thanks. Matutulog na lang ako. Wala ka bang kapaguran?"
Nagkibit balikat ako. "Kaya nga magpapahinga ako e. Sige na, I have to go. Wag mo na akong hintayin mamaya, dahil alam mo na" kinindatan ko pa siya kaya napairap siya.

BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiksi UmumEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...