Hannah Claudette's
"Stop worrying" napapitlag ako nang may marinig akong pamilyar na tinig mula sa likuran ko.
Narito ako ngayon sa sa may pool area habang nakakubli sa isang puno. Nakamasid ako kay Rebel dahil hanggang ngayon ay ayaw ko siyang alisan ng tingin. Natatakot pa rin ako sa maaaring mangyari sa kaniya.
Kaagad akong lumingon para kumpirmahin ang hinuha ko at hindi nga ako nagkamali. Nakangiting mukha ni Hans ang sumalubong sa akin. "He's okay and he's happy. Wala kang dapat ipag-alala"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at kaagad na nag-iwas ng tingin. Pilit kong kinalma ang sarili ko at nagpatay malisya. Tipid ko siyang nginitian at muling ibinalik ang tingin ko kay Rebel na masayang kausap sina Isla at ang iba pang mga kaibigan niya. "Alam ko. Pero hindi pa rin maiiwasang mag-alala ako. Kung may kinatatakutan man ako ngayon, iyon ay ang muling bumalik kami sa ospital"
Narinig kong napabuntong hininga siya. Pumantay siya sa akin at sabay naming pinagmasdan ang mga bata. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil nandito siya sa tabi ko pero kayang-kaya kong ikubli ang pakiramdam na ito. Sanay na sanay na ako sa ganito. Talent ko na ata ito.
"Rebel is one of the bravest people I know. His body may be weak but his soul is the strongest. Ganun mo siya pinalaki" napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Diretso pa rin ang tingin niya habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa bulsa.
Malaya ko siyang napagmasdan. Ang saya-saya at ang gaan-gaan ng awra niya ngayon. Malayong-malayo sa Hans na kilala ko noong mga panahong umalis si Lizette.
Nahigit ang hininga ko noong biglang lumingon siya sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Nakangiti ang mapupulang labi at malamlam ang mga mata. "Manang-mana siya sayo, Hannah. Pareho kayong matapang. Isa iyon sa mga katangian mong hinangaan ko kaya kita nagustuhan"
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa pang-iinit nito. Ano bang sinasabi niya?
"I used to like you, Hannah." diretsong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko kaya bahagyang napaatras ako. "Hindi ko akalaing yung taong kailangan ko lang tulungan ay magugustuhan ko pala. The first time I saw you and Rebel, tinatak ko na sa isip kong responsibilidad ko kayong dalawa"
Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Ang tagal ko na rin kasing iniisip ang rason kung bakit ganun na lang kaming alagaan ni Hans. Hindi namin siya kaano-ano at lalong hindi ko siya kaibigan noon pero grabe ang malasakit niya sa amin ng anak ko.
"R-responsibilidad?" nalilitong tanong ko.
Malungkot na ngumiti siya at huminga ng malalim. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa mga mata ko kaya kitang-kita ko ang namumuong luha doon. "Ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Raiver. Ako ang lasing na driver na nakabunggo sa kaniya"
Tila ba nanlaki ang ulo ko at nanlambot ang mga tuhod ko. Nang hindi ko na nakayanan ay tuluyang napaupo ako sa Bermuda grass. Maagad na nahawakan naman niya ang kamay ko para umalalay pero tumanggi ako at tuluyang naupo sa damuhan.
Sunod-sunod na bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay namin ni Raiver noon ay hindi ko pa rin maitatangging naging parte siya ng buhay ko. Na minahal ko rin siya at nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya. Kahit nasaktan niya ako noon ay ni sa hinagap ay hindi ko pinanalangin na mawala siya.
Ilang sandali pa ay umupo din si Hans sa harapan ko at inabot ang kamay ko. "Alam kong kulang ang salitang sorry sa laki ng kasalanan ko sa inyo ni Rebel pero gusto ko pa ring humingi ng tawad. Patawarin mo sana ako, Hannah. Patong-patong ang problema ko noong mga panahong yun. Alam kong hindi excuse iyon pero iyon ang dahilan kung bakit nawala ako sa wisyo. Hindi ko kinaya ang mga problema ko"
BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiksi UmumEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...