Clarizette Marie's
"Naks! Feeling ko tuloy ang yabang ko. Isang International singer lang naman ang kakanta sa birthday party ng anak ko" nakangising pang-aasar ko kay Trevor nang salubungin ko siya sa entrance ng resort nina Hans dito sa Tagaytay. Dito kasi gaganapin ang party ni Arielle.
Umismid ito at saka dinutdot ang noo ko kaya napangiwi ako. "Wag mo na akong bolahin. Baka singilin kita ng TF ko, mamulubi ka pa"
Inirapan ko siya at saka pinalis ang daliri niyang nakadutdot sa noo ko. "Psh. Wag kang mayabang. Marami akong tropang International personalities. Pang karaniwan ka lang sa paningin ko"
Sinamaan ako nito ng tingin kaya matamis na nginitian ko siya at nagpeace sign pa sa harapan niya. Napailing na lang siya sa'kin kahit na pakiramdam ko ay parang gusto na niya akong ihagis sa Bulkang Taal na tanaw na tanaw mula dito sa kinatatayuan namin.
"Bakit ka nandito? Di'ba dapat busy ka?" takang tanong niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa cabin na naka-assign sa kaniya. Lahat naman ng guests ay may kanya-kanyang kwartong nakalaan para may pagpahingahan sila at mapag-iwanan ng mga gamit nila.
Wala pang masyadong tao dahil mamayang 2 pm pa ang party. Napaaga lang ng punta si Trevor dahil may dinaanan daw siya malapit dito sa resort nina Hans.
Muling napanguso ako. "Masyadong magaling si Hannah saka ang team niya. Wala na akong masyadong prinoblema. Ang bibilis nilang gumawa at talagang pulido. Nakakahiya nga"
"Bakit ka mahihiya? Trabaho nila yun"
Napakamot ako sa ulo ko. "E kasi ako yung nanay nung celebrator. So, dapat ako yung hands-on"
Ang natatandaan ko lang na ginawa ko ay ang mamigay ng invitations, kumain noong food tasting, ilagay sa mga box ang souvenirs at maglagay ng candies and treats sa lootbags at ang pinaka paborito ko ay ang ayusan si Arielle noong pre-birthday shoot niya. Other than that, lahat si Hannah at ang team niya ang nag-asikaso. Pinapacheck lang nila sa'kin kung okay ba ang mga ideas nila at pag naapprove ko na, iyon nga ang gagawin nila at lampas pa sa expectations ko ang resulta.
Bahagyang natawa si Trevor at saka ginulo ang buhok ko. "Hindi makakagalaw ang team ni Hannah kung walang approval galing sayo. Wag ka nang mag-isip masyado. Ginagawa lang nila ang trabaho nila"
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit kasi wala akong alam sa mga ganito? Wala naman kasing ganito sa bundok. Dati, pag nagbibirthday kami ng mga kapatid ko, masaya na kami sa 5 pesos na bigay ni Tatay. Ibibili lang namin yun ng kung anong pagkain na gusto namin at siguradong kumpleto na ang araw namin.
Nakakamiss ang simpleng buhay. Nakakamiss si Tatay. Sayang lang talaga at hindi na niya naabutan si Arielle. Siguradong kagaya noon kay Isla ay mamahalin din niya ang bunso ko nang sobra-sobra.
Napapitlag ako nang maramdaman kong may mga bisig na pumupulupot sa bewang ko. Nang lingunin ko ito ay nakangising mukha ni Hans ang nakita ko.
"Hi, Misis ko" sabay halik pa nito sa pisngi ko na para bang wala kaming ibang kaharap na tao.
Napapahiyang hinampas ko siya sa balikat at pasimpleng itinulak palayo sa'kin. "Bitawan mo nga ako! Nasaan yung mga anak mo?"
Natawa siya at inalis ang braso sa bewang ko. Akala ko ay lalayo na siya ngunit laking gulat ko nang kabigin niya ako para akbayan. "Nasa cabin nina Nanay."
Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walanghiya ay lalo lang ngumisi at malanding hinaplos pa ang pisngi ko. Napabuntong hininga na lang ako at inirapan siya.
Muli kong hinarap si Trevor na parang nawiwirduhang nakatingin sa amin. Tinuro ko ang mga cabin sa harapan namin. "Yun yung cabin mo, yung number 11. Katabi lang ng cabin ni Hannah"
![](https://img.wattpad.com/cover/307968215-288-k169087.jpg)
BINABASA MO ANG
More Than Words
General FictionEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...