Clarizette Marie's
"Let's get married"
Napasinghap ako sa sinabi niyang mga kataga. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nanginginig ang mga tuhod ko.
Pinilit ko ang sariling kumalma. Lumunok ako ng laway at masamang tiningnan siya. "Nag-aadik ka ba?! Bakit tayo magpapakasal?!"
Napabuntong hininga siya at bumangon sa kama. Lumapit siya sa akin at saka marahang kinuha ang kamay ko. "I want to give my children a complete family, Clariz."
Naguguluhang inagaw ko ang kamay ko at tuluyang tumayo ako sa kama. "P-pero .. h-hindi ito tama"
Kunot noong tumayo siya at sinapo ang mukha ko. "Alin ang hindi tama? Clariz, lumalaki na ang pamilya natin. Ayokong masanay ang mga anak ko sa ganitong set up. Deserve nila ng isang pamilyang masaya at magkakasama sa iisang bubong"
Lakas loob na sinalubong ko ang tingin niya at mapait na nginitian siya. "Pero h-hindi natin m-mahal ang isa't-isa" hindi mo ako mahal.
Napaiwas siya ng tingin at pagak na natawa. Bahagyang lumayo siya sa akin at huminga nang malalim. "Importante pa ba yun? Di'ba ang mga bata naman ang priority natin?"
Tuluyang tumulo ang mga luha ko at naikuyom ko ang mga kamay ko. Sa mga oras na ito ay napatunayan kong pagiging ina lang ng mga anak niya ang role ko sa buhay ni Hans. Siguradong kung hindi kami nagkaanak ay baka hindi na niya ako kilala ngayon.
"Hindi ako mabuting anak pero ayokong bigyan ng kahihiyan ang mga magulang ko." muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya. Pormal na ang ekspresyon ng mukha niya. "Sooner or later ay malalaman din ng mga tao ang tungkol kay Arielle at sinasabi ko sayong hinding-hindi ko itatanggi ang anak ko. Kaakibat din noon ay siguradong malalaman din nila ang tungkol sayo at dahil doon ay mababaon na naman sa kontrobersiya ang pamilya ko. Marami na namang masasabi ang mga taong walang alam pero mahilig makialam at marami na namang kukwestyon sa pagiging magulang ng mga magulang ko. Marami na akong nagawang kasalanan sa kanila at ayoko nang dagdagan iyon. Kaya bago pa mangyari ang mga bagay na iyon, itatama ko na kaagad. If that means I need to marry the mother of my children, then I will. Maisalba lang sa panghuhusga ang mga magulang ko dahil buong buhay ko, wala silang ibang hinangad kundi ang kaligayahan at kabutihan ko"
Hindi makapaniwalang natawa ako at namewang. "Bakit pakiramdam ko, wala akong karapatang tumanggi?"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Wala naman talaga. You will marry me, Clariz. By hook or by crook"
Napanganga ako. "B-bakit hindi yung girlfriend mo ang ayain mong magpakasal?!"
Napakunot ang noo niya. "Paano ako magkakagirlfriend, e ayaw mo nga akong sagutin"
Napaubo ako sa tinarada niya. Napapalatak naman siya at kaagad na hinaplos ang likod ko. "Tsk. Kahilig mong lakasan ang aircon, ang bilis mo namang ubuhin"
Sinamaan ko siya ng tingin. Ano na naman ba kasing trip ng gagong ito?!
KINABUKASAN, nagulat na lang akong may dumating na abogado sa bahay ni Hans at pinapirma ako ng marriage contract. Habang mangyayari iyon ay nakatulala lang ako. True to his words, wala talaga akong karapatang tumanggi.
As expected ay lumabas ang balita tungkol kay Arielle at pati na rin ang tungkol sa akin. Nakilala ako ng ilang tao at hati ang reaksyon nila. May positibong tumanggap at marami ding negatibo lalo na at naungkat ang balitang pagtatago ko ng tungkol kay Isla noon.
"Problema mo?" mataray na tanong ko kay Hans nang mapansin kong kanina pa siya nakatingin sa'kin.
Narito kami ngayon sa dressing room ng isang sikat na talkshow sa tv dahil naimbitahan kami para sa isang interview. Akala ko nga ay hindi papayag si Hans pero nagulat na lang ako nang talagang kinancel pa niya ang mga schedule niya para sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiksi UmumEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...