Chapter 11

58 4 0
                                    

Clarizette Marie's

"Ate, di'ba si Kuya Hans yun?" inosenteng tanong sa'kin ni Caren habang nanonood siya ng tv. Narito kami ngayon sa sala habang tinutupi ko ang mga lampin ni Isla. Kasalukuyan kasing tulog ang bata kaya nakakagawa ako ng mga gawaing bahay.

Kaagad na dumako ang tingin ko sa TV at doon nga ay nakita ko si Hans na nakangisi sa camera habang preskong-preskong sinasagot ang mga ibinabatong tanong sa kanya. Mukhang naambush interview ang walanghiya dahil kaswal lang ang suot niya at kitang-kita pa ang hikaw sa dila. Siguradong marami na namang masasabing masama sa kaniya ang mga tao dahil sa ayos niya.

"What was your reaction about your ex-girlfriend's pregnancy and engagement?" tanong ng interviewer. Nitong nakaraang araw lang kasi ay may pumutok na balitang nanganak na ang anak ng bise presidente at nakatakda itong ikasal sa isang business tycoon sa bansa.

Marami ang nagulat dahil akala ng lahat ay si Hans ang kasintahan ni Jewel Dela Guardia ngunit ngayon ay iba ang papakasalan nito. Marami ring haka-haka na kaya daw naghiwalay sina Hans at Jewel ay dahil rebelde daw si Hans na ultimo magulang niya ay hindi siya mapasunod.

Tinanggal ni Hans ang suot niyang shades at saka nginisihan ang reporter. "Really? She's engaged? Wow! I'm happy for her. Sana may afritada sa kasal niya"

Nasapo ko na lang ang noo ko sa sagot niya. Wala talagang kaseryosohan ang walanghiya sa buhay niya.

Kinuha ko na ang remote control at saka pinatay ang TV. Napanguso naman si Caren pero pinanlakihan ko siya ng mata. Kung ano-anong pinapanood niya.

Dahil sa balita ay hindi ko maiwasang mapaisip. So, hindi si Hans ang ama ng ipinagbuntis ni Jewel? Or kagaya ko ay natakot din ba ang babaeng ipagtapat kay Hans ang totoo tapos nakahanap siya ng sasalo sa kanya kaya sa ngayon ay iba ang papakasalan niya? Ay ewan ko! Bahala sila sa buhay nila. Basta tahimik ang buhay namin ni Isla.

"Ate! May gift ako kay Isla!" saktong pasok naman ni Clinton na tuwang-tuwa kaya napangiti ako. Mahal na mahal ng mga kapatid at magulang ko si Isla. Mula nung ipinanganak ko si Isla ay halos hindi ko na ito mahawakan dahil giliw na giliw sa kaniya sina nanay at tatay at kung minsan pa nga ay doon nila ito pinapatulog sa kwarto nila.

"Ano ba yun?" tanong ko sabay sulyap ko sa nasa likuran niya. Nakita ko naman si Clarence na nakangisi din sa akin.

"Tsaran!" mula sa likuran niya ay inilabas niya ang isang pares ng pink na medyas kaya napangiti ako. "Binili namin yan ate sa bayan. Bagay yan kay Isla kasi pink! Bagay sa mga princess ang pink e!"

"Wow naman. Thank you, Tito" nangingiting sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

Napalingon naman ako kay Clarence nang may ilahad siyang kahon ng gatas sa harapan ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Sa totoo lang kasi ay walang lumalabas na gatas sa akin kaya halos a-am na lang ang ipinapainom ko kay Isla. Ang mahal naman kasi ng gatas ng newborn. Wala naman akong pambili. Nahihiya naman akong manghingi sa pamilya ko. "S-saan mo nakuha 'to? Saan ka nakakuha ng pambili dito?"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon