Chapter 9

62 4 0
                                        

Clarizette Marie's

"Kamusta na kaya yung asawa ni Senator Samonte, ano? Sabi kasi sa balita critical daw siya. Kawawa naman. Ang bait pa naman nun" Nakangusong tanong ng pinsan kong si Marianne habang inaayusan niya ako ng buhok. Narito ako ngayon sa bahay nila para magpa-ayos dahil wala na naman kaming budget para sa pagpapaparlor.

Today is my graduation day. Gusto ko man lang maging presentable sa araw na ito kaya nakiusap ako sa pinsan ko na ayusan ako. Sa kanya na rin ako nanghiram ng dress at sandals na gagamitin ko ngayong araw. Kinulang na kasi sa budget dahil last week ay naospital ang kapatid kong si Clinton.

Napabuntong hininga ako at saka kinuha ang phone ko sa bulsa. Nagbabakasali na may update na mula kay Hans. Balita kasi ngayon sa lahat ng TV stations at mga pahayagan na nabaril ang asawa ni Senator Samonte. Ang Daddy ni Hans.

"E di'ba insan jowa mo yung anak nun?" usisa sa'kin ni Marianne kaya napahilot ako sa sintido ko. Kilala niya kasi si Hans dahil sa tuwing may pagkakataon ang lalaki ay pumupunta siya dito sa amin at nakikipagkwentuhan sa mga kamag-anak ko. Noong una ay hindi ko naman inaakala na anak siya ng isang Senador ng Pilipinas kaya nagulat na lang kami isang araw na nasa TV silang buong pamilya para sa interview. At mula nga nung araw na yun, naging mabait at approachable ang mga kamag-anak ko sa tuwing dumadalaw siya dito. "Kamusta na nga pala kayo? Parang isang taon na ang nakakalipas mula nung dumalaw dito yun ah"

"Kaibigan ko lang si Hans. Wag kang malisyosa" sabi ko na lang sa pinsan ko dahil nakakaramdam na naman ako ng hilo. Katatapos ko lang kumain ng agahan pero pakiramdam ko ay gutom na naman ako. Mukhang matakaw itong anak ko.

"Sus. Maniwala sayo. Hindi naman yun magtitiyagang sumama sa Tiyo na magkamatis kahit na sobrang init kung magkaibigan lang kayo. Sige lokohin mo ang lelang mo" tukso pa niya sa'kin kaya napailing na lang ako. Wala ako sa mood na makipagtalo sa kanya dahil masama na talaga ang pakiramdam ko.

"Ay nga pala, insan. Congratulations ha. Ang galing mo. Ikaw ang unang gagraduate sa kolehiyo sa pamilya natin. Siguradong makakapagtrabaho ka agad at makakatulong kina Tiyo. Wag kang makakalimot ha. Aba binibigyan kita ng ulam dati" humagikhik pa siya kaya napailing na lang ako.

Pagkatapos niya akong ayusan ay pinapasok na niya ako sa kwarto niya para mamili ng mga dress na maaari kong suotin. Magkasingkatawan lang naman kami ni Marianne kaya walang problema.

"Hala? Last dress ko na yan e. Hindi pa rin kasya sayo? Tumaba ka ba?" takang tanong ni Marianne sa'kin habang pilit na sinasara ang kahuli-hulihang dress na mayroon siya. Hingal na hingal na ako sa kakapalit pero wala talagang nagkakasya sa akin.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at saka nahahapong umupo sa kama niya. Napahawak ako sa tiyan ko dahil nakaramdam ako ng paghilab. Baka masyado na ring naiipit ang baby ko kaya hindi ko na rin ipipilit.

"Paano na yan? Anong isusuot mo? Baka malate na kayo ng Tiya sa graduation mo. Bakit ba naman kasi nagpataba ka?" maging ang pinsan ko ay hiningal na rin sa pagtulong sa akin. Tanging maliit na electric fan lang kasi ang mayroon kami dito sa maliit niyang kwarto.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon