Clarizette Marie's
Nagising ako sa iyak ni Arielle kinabukasan. Mumukat-mukat na bumangon ako at binuhat ang bata. Nang makita ko ang oras ay 8 am na pala. Tinanghali na ako ng gising dahil hindi ko alam kung anong oras na ulit ako nakatulog kagabi.
Pagkatapos kong padedehin si Arielle ay nag-ayos na ako ng sarili at binihisan na rin ang bata. Wala na si Isla sa kwarto. Baka nagutom na kaya nauna nang lumabas.
Nang makalabas ako ng kwarto ay una kong tinungo ang kwarto ni Clinton para icheck kung buhay pa ba si Hans.
Inayos ko muna ang pagkakakarga kay Arielle bago dahan-dahang pinihit ang doorknob ng kwarto ng kapatid ko. Nang bumukas iyon ay dahan-dahang itinulak ko ang pinto para bumukas.
"Ate! Wag basta pasok nang pasok!" napangiwi ako nang biglang sumigaw si Clinton pagkabukas ko ng pinto. Ang walanghiya ko kasing kapatid ay tanging tuwalya lamang ang tapis dahil kagagaling niya lang ata sa paliligo.
Dahil sa pagsigaw ni Clinton ay nagulat si Arielle at pumalahaw ito ng iyak. Sinamaan ko naman ng tingin si Clinton na hindi na magkaintindihan kung anong uunahin. Mag T-shirt ba o mag-shorts.
"Leche ka talaga, Intong!" inis na asik ko sa kapatid ko nang hindi tumahan si Arielle.
"Sorry na, Ate. Nanggugulat ka e. Bakit ka nga pala nandito?" kakamot-kamot sa ulong tanong niya habang kinukuha sa'kin si Arielle para siya na ang magpatahan sa bata. Bihis na siya pero gulo-gulo pa rin ang buhok niya.
Inirapan ko siya at ibinigay na ang anak ko. Sisigok-sigok naman ang batang yumapos sa leeg ng tiyuhin na parang hindi ito ang nagpaiyak sa kaniya. "Nasaan ang kuya Hans mo?"
"Ah, si Kuya pala ang hanap. Umalis na kanina pang madaling araw. Nagmamadali kaya siguro hindi na nakapagpaalam" kibit balikat na sagot naman ng kapatid ko kaya napatanga ako. Bakit siya nagmamadaling umalis? Kailangan na naman ba siya ni Hannah?
Nawala tuloy ako sa mood dahil sa nalaman ko. Buong session sa workshop ko ay mainit ang ulo ko kaya nasigawan ko ang mga estudyante. Ayun, natutong umiyak nang madalian.
Saktong pagkatapos ng trabaho ko ay sinundo ako ni Trevor. Pinapapunta kasi ako ngayon ni Andrea sa Batangas dahil may importante daw siyang sasabihin. Ayoko namang magcommute dahil tinatamad ako kaya ginawa ko na lang driver si Trev.
Sa mansyon na ni Lynard kami dumeretso pagkarating ng Batangas. Sa may gate pa lang ay nakita ko na kaagad ang mga nakaparadang sasakyan ng mga kaibigan ni Lynard. Medyo napataas pa nga ang kilay ko nang hindi ko napansin ang sasakyan ni Hans. Ibig sabihin ay wala siya dito ngayon. So, na kay Hannah pa rin siya hanggang ngayon?
Uminit na naman ang ulo ko dahil doon. Nakasimangot na pumasok na ako sa mansyon ng mga Eliazar nang hindi ko na hinintay si Trevor. Bahala na siya sa buhay niya. Malaki na siya.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa mansyon nina Andrea ay kaagad akong sinalubong ng ingay. Ang mga bata ay nagtatakbuhan at ang mga kalalakihan naman ay nagkukwentuhan or more on, nagbabantay na naman sa kanya-kanyang anak.
Nang makita ako ni Lynard ay ngumisi ito sa'kin at sumaludo. "Nasa kusina sina Dawn"
At dahil nga mainit ang ulo ko ay inirapan ko siya bago tinahak ang daan patungong kusina. Alam ko na naman kung saan iyon dahil ilang beses na akong nakapunta dito lalo na noong doon pa ako nakatira sa bahay ni Hans. Pag bored kasi kami pareho ni Andrea ay pinapapunta niya ako dito at magluluto kami ng kung ano-ano tapos ay pinamimigay namin sa mga kapitbahay which is ang mga kabarkada din nila.
"Lizette!" tili ni Andrea nang makita ako. Nakasuot pa siya ng pink na apron at abalang-abala sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes na malamang ay si Athena ang nagbake.

BINABASA MO ANG
More Than Words
قصص عامةEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...