Clarizette Marie's
"Ano bang theme ang naiisip ninyo?" nakangiting tanong sa'min ni Hannah.
Nandito kami ngayon sa office niya. Nakakahiya nga dahil medyo tinanghali na kami. Ang walanghiyang si Hans kasi ay kung ano-anong kalokohan pa ang ginawa. Ayaw magpaawat!
"Love?" pukaw ni Hans sa atensyon ko kaya napakurap-kurap ako. Nang lingunin ko siya ay may naglalarong mapang-asar na ekspresyon sa mukha niya kaya namula ang mukha ko. Siguradong alam niya kung anong kasalukuyang iniisip ko.
Lalo siyang ngumisi nang samaan ko siya ng tingin. Napatitig ako sa mapupula niyang labi. Bakit parang ang sarap sunggaban bigla kahit katanghaliang tapat? Humanda talaga sa'kin 'to mamaya pag-uwi namin.
"Ano daw theme ang gusto mo?" natatawang ulit niya sa tanong ni Hannah kaya bumalik ako sa wisyo. Umiling-iling ako para mawala ang lumot sa utak ko. Nasa kalagitnaan nga pala kami ng importanteng meeting kaya wala dapat lugar ang kahalayan este kawalanghiyaan.
Napakamot ako sa ulo ko. Leche naman. Bakit walang pumapasok sa utak ko kundi ang mga pwede kong gawin mamaya kay Hans pag-uwi namin?
Narinig kong natawa si Hannah kaya napatingin ako sa kaniya. Inabutan niya ako ng brochure na naglalaman ng mga samples ng birthday party themes na nagamit na nila noon sa mga dating kliyente nila. "You can choose here. Marami na kaming mga parties na na-organized kaya sure akong makakakita ka diyan ng inspiration"
Kahit may nararamdaman pa rin akong pagkailang sa kaniya ay tumango ako at saka binuklat ang brochure. Tama nga siya, ang daming pwedeng pagpilian dito. Parang halos lahat, nagawa na nila. No wonder sikat na sikat ang company niya.
Tumayo ang babae dahil kailangan niyang sagutin ang tumatawag sa kaniya. Nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan siya. Malayong-malayo na siya ngayon sa huling imaheng nakita ko noong umalis ako dito sa Pilipinas, isang taon na ang nakakalipas. Pakiramdam ko tuloy, bumalik na yung dating Hannah bago pa magkasakit ang anak niya. Kaibahan nga lang, parang nabawasan ang pagiging maldita at suplada niya. Simula kasi nung dumating kami dito, lagi lang siyang nakangiti. Or dahil kliyente kami?
"Love?" bulong sa'kin ni Hans kaya napalingon ako sa kaniya.
"Oh?"
"Okay ka lang? Kung gusto mo, bumalik na lang tayo next week pag may naisip ka nang theme" nag-aalalang sabi niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ayokong magsayang ng panahon. Alam kong mahaba-habang preparation pa 'to kaya kailangan ko nang magsimula ngayon.
Suddenly, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Isla noon. Na mas paborito daw ni Arielle ang mga unicorn kaysa sa mermaids.
"Unicorn!" naibulalas ko kaya napakurap-kurap si Hans. Nginisihan ko siya at muling binuklat ang brochure na hawak ko. Marami na rin doong mga kliyente na gumamit ng temang unicorn para sa birthday ng mga anak nila, na kung tutuusin ay common na these days pero anong magagawa ko? Iyon ang gusto ng anak ko. Para sa kaniya ang party na ito kaya kahit anong makakapagpasaya sa kaniya, iyon ang ibibigay ko.
"Unicorn? That's great" napatigil ako nang muli kong narinig ang boses ni Hannah. Tapos na pala itong makipag-usap sa telepono.
Tumikhim ako at kahit medyo naiilang pa ay nginitian ko siya. "Yeah. Can you help me?"
Nagkibit balikat siya at muli ay ngumiti. "Of course! That's my job, anyway"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nagsimula kaming magbrainstorming dalawa at isa lang ang masasabi ko. Magaling talaga si Hannah sa ganito. She's creative and brilliant. Ang dami niyang mga prinopose na pakulo para mas maging exciting ang birthday ng anak ko.

BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiction généraleEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...