Clarizette Marie's
"Ano ba naman yan, Lizette? Pang-ilang turon mo na yan ah! PG lang?" nakangiwing tanong sa'kin ni Andrea pero inirapan ko lang siya. Bakit ba? E sa nagugutom ako e.
"Grabe ka naman, Andeng. E nakakapagod at nakakagutom naman talaga yung finals natin. Hayaan mo na lang si Lizette" mahinhing sabi naman ni Athena sabay abot sa akin ng bottled water na hindi pa nabubuksan. Ngunit gaya kanina kay Andrea ay inirapan ko lang din siya.
Nakakainis ang dalawang 'to. Masyadong magaganda. Naiinis ako sa mga hitsura nila. Ayoko silang makita. Umiinit ang ulo ko.
Bahagyang napasinghap si Athena sa inasal ko kaya natawa si Andrea at napailing. "Anong sapi mo, Lizette? Init ng ulo ah"
Inirapan ko lang muli siya at saka inayos ang mga gamit ko. Mabilis na inubos ko ang turon saka tumayo na sa kinauupuan ko. Bago ako tumalikod ay inagaw ko muna kay Athena ang inaalok niya kanina sa aking tubig. Nagdadabog na iniwan ko na sila sa table namin at kunot na kunot ang noong lumabas na ako ng canteen.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dapat ay masaya na ako ngayon dahil sa wakas ay tapos na ang finals namin. Next week siguro ay clearance na lang ang aatupagin namin tapos ay magpapractice na ng graduation. Pero bakit ganun? Bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam ko?
"Chairman! Tawag ka ni Sir Melvin sa office" Napabuntong hininga na lang ako nang nakasalubong ko ang kaklase ko. Kiming nginitian ko lang siya at tinanguan bago ko tinahak ang direksyon ng office ni Sir Melvin.
Sobrang init ng panahon. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko kahit na paubos ko na ang tubig na dinekwat ko kay Athena.
Napahawak ako sa pader ng hallway nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Parang nagtatlo bigla ang paningin ko at humilab ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay nasusuka ako at nanghihina din ang mga tuhod ko.
Ready na sana akong makipagface-to-face sa semento nang may matigas na bisig ang sumalo sa akin.
"Luh? Anong nangyari sa'yo, Lizette?" Boses iyon ni Miguel. Boyfriend ni Athena na kaibigan din ni Hans. "Ang putla mo. Bakit ka ba kasi nag-iisa?"
Hindi na ako makapagsalita dahil pakiramdam ko ay suka na ang lalabas sa bibig ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong umaangat na ako sa sahig dahil binuhat na ako ni Miguel. Gustuhin ko mang mahiya dahil anak lang naman ng gobernador ng probinsyang ito ang lalaking ito at sila din ang sponsor ng scholarship ko ay hindi ko na nagawa dahil wala ng lakas ang katawan ko. Unti-unti na rin akong nilalamon ng dilim.
Nagising akong nasa clinic na ng university namin. Nakita ko pa si Athena at Andrea na nasa paanan ng kama ko habang naglalaro ng kung ano sa cellphone nila. Naroon din si Miguel na nakaalalay sa likod ni Athena. Nang magtama ang mga mata namin ay masuyong nginitian niya ako kaya nakaramdam ako ng hiya. Bakit ba kasi ang ganda ng jowa niya? Natarayan ko tuloy kanina.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya kaya natigil sa paglalaro ang dalawang babae at sabay pang tumingin sa akin.

BINABASA MO ANG
More Than Words
Fiksi UmumEveryone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already found that kind of love and yet the fate has different plan for you? Will you stay and accept the...