Chapter 5

69 4 0
                                    

Clarizette Marie's

(Flashback)

"Yung totoo, wala ka ba talagang pakialam sa baga mo?" nakahalukipkip na tanong ko kay Hans nang maabutan ko siyang nakatayo sa may tindahan malapit sa school namin habang sige sa paghithit ng sigarilyo. Nakauniform pa ang walanghiya kaya napailing na lang ako.

Tumaas ang sulok ng labi niya at itinapon sa sahig ang sigarilyo saka inapakan. Napabuntong hininga na lang ako at naiiling na dumukot ng chewing gum sa bag ko saka binalatan. Lumapit ako sa kanya at pabalyang isinubo sa kaniya ang chewing gum.

"Aray naman, baby. Masakit" malanding angal niya kaya nanggigigil na hinampas ko siya sa balikat.

"Napakaharot! Ano na naman bang ginagawa mo dito? Mamaya pa ang pasok ni Miguel ah. Saka wala ka bang pasok?" Lagi na lang nandito ang gagong 'to e. Kaunti na lang, iisipin kong dropped out na 'to.

Nagkibit balikat siya. "Di naman si Miguel ang sadya ko dito e"

Inirapan ko siya at saka kinuha ang kamay niya para sprayan ng alcohol. Ayoko talaga sa amoy ng sigarilyo. "E ano pala?"

"Ikaw" diretsong sagot niya kaya natigilan ako at napaangat ang ulo ko para salubungin ang tingin niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kailangan mo sa'kin? Wala akong perang pampautang sayo"

"Utang agad?" parang offended na sabi niya kaya natawa ako at saka pinitik ang noo niya.

"E ano pala? Anong kailangan mo sa'kin?"

"Gusto ko ng ice cream"

"O tapos? Hawak ko ba yung apa?"

Natawa siya at saka inakbayan ako. "Sumama ka na lang. Dami mong tanong e"

Siniko ko ang tiyan niya para maalis ang pagkaka-akbay niya sa'kin ngunit parang wala lang yun sa kanya kaya napabuntong hininga na lang ako. Actually, sanay na naman ako sa kaniya dahil ilang beses na rin niya akong niyaya kung saan saan niyang trip na puntahan. And honestly, masaya siyang kasama. Puro siya kalokohan at talagang hindi ka maiinip pag kasama siya.

"E malay ko ba kung saan mo ako dadalhin"

"Pinagdududahan mo talaga 'tong kagwapuhan ko? Kabahan ka naman, Clariz" mayabang na sabi niya kaya natawa na lang din ako.

"Napakahambog mo talaga kahit kailan"

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nagtatakang tiningnan ko siya at napakunot na lang ang noo ko nang makita kong seryoso ang mukha niya. Napansin kong malayo ang tingin niya kaya sinundan ko ang direksyong tinutumbok ng mga mata niya. Lalo lang akong nagtaka dahil wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid.

Nagtatakang kinurot ko siya sa tagiliran. "Hoy, problema mo?"

Napakurap-kurap ang mga mata niya at saka muling nagbaba ng tingin sa akin. Nang taasan ko siya ng kilay ay napabuntong hininga siya at saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nginitian niya ako kaya lalo akong naguluhan. "Ayoko na pala ng ice cream. Gusto ko na lang lumipad"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon